54

69 4 0
                                    

YUJU's POV



"Yun oh! Favorite ko yan!" pag kuha ko ng isang nugget sa plato ni DK


"Luh akin yan eh" tinawanan ko lang siya



"Usod ka nga diyan. Tabi tayo" pag upo niya sa tabi ko


"Ano ba yan nakisiksik ka pa alam mo na ngang masikip"


"Oh sige ibalik mo yang nugget ko" akma ko namang iluluwa at agad niya kong tinulak "Ang baboy mo talaga"


"Mana sayo" pag tawa ko


"Uy Mina san ka? Dito table natin oh" giit ni Jihyo


"Ayoko andyan si gyu" mahinang sabi ni Mina at mabilis namang sumunod si Jihyo at Eunha


Nagkatinginan naman kami ni DK. Oh lahing tsismosa nag katinginan


"Ano meron 'di ba sila okay?"


"Ewan ko eh diba okay naman sila last week may pa banner pa si Mina diba?"


"Luh bat sila mag aaway eh diba peke peke lang sila?"


"Unless.." Nanlaki naman ang mata namin pareho


"Oh my god!" pagyugyog ko sakanya


"Tinik talaga nito ni Mingyu. Sabi na mag kakainlaban din sila eh"


"Gags sino yung kasama ni Bambam?" tanong ko


Pumasok kasi si Bambam sa cafeteria na ibang babae kasama. Ngayon pa lang ata niya nakasama yon at di rin niya friends. Lumapit sakanila si Lisa at nag paalam saka ito nag lakad papunta samin. Nag katinginan ulit kami ni DK at natawa pareho.


"Yan ata yung sinasabi nilang pinopormahan ni Bambam"


"Talaga ba? Bakit? Eh mas maganda si Lisa?" pinikit naman niya ang noo ko "Aray! Ano ba problema mo?"


"Di naman porket mas maganda yun na dapat popormahan"


"So you agree? Mas maganda si Lisa?"


"Di yun yung point ko"


"Ang manhid naman nito ni Bambam. Di nahahalata feelings ni Lisa"


"Yun nga eh. Pero ano ba magagawa natin?"


"Hay shems ang lakas ng sagap ng tsimis natin ngayon" natawa naman siya sakin


Me and DK has always been this close. I knew him almost all my life kaya kilalang kilala ko na rin talaga siya.


"Nga pala sabi ni Mama punta ka daw sa birthday niya sa sabado" giit ko


"Hala birthday na ni tita? 60th birthday niya yon 'no?"


"Yup. Kaya medyo bongga handaan"


"Samahan mo ko sa mall bukas bili tayo ng gift para kay tita"


"Sasama ako basta libre mo ko ng dairy queen" pag ngisi ko. napabuntong hininga naman siya


"Oo na oo na"


"Yun! Lakas ko talaga sayo!" pag siko ko sakanya. Nahulog naman siya sa kinauupuan niya "Sorry sorry napalakas" pag tawa ko. Sinamaan lang niya ko ng tingin hahahahah

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon