23

89 9 0
                                    

ROSÉ's POV


"Kayong mga lalaki kayo dapat di kayo nag papakita ng motibo kung di niyo naman pala gusto yung babae" inis kong sabi habang nag aayos ng libro


"Galit na galit? Sino ba nanakit sayo ha?" pag tawa ni Eunwoo


"Di ko kailangan masaktan para sabihin yun" pag irap ko sakanya


"Grabe ang sungit. Sino ba roseanne? Resbakan na natin oh"


"Wag ka na magulo diyan Eunwoo mamaya ikaw resbakan ko eh" tinawanan lang niya ko


Nag tama naman ang tingin namin ni Jaehyun. Lagi naman seryoso ang muka niya pero ngayon parang frustrated siya


"Bakit?" tanong ko


"Wala" mahina niyang sabi at nag iwas ng tingin


"Nako wag mo pansinin yan Jaehyun. Nag dadalaga lang yan si Roseanne baka kasi binasted ng crush niya" pag singit ni Eunwoo. Apaka epal talaga kahit kailan


"Hoy di ako binasted ng crush ko ah! Sa ganda kong 'to kapal naman ng muka niya" giit ko


"Wushu deny pa. Kami lang 'to Roseanne oh nahiya ka pa" pangaasar ni Eunwoo


"Ikaw napaka tsismoso mo talaga!"


"Sino gusto mo Roseanne?" nahintuan ako nang mag salita si Jaehyun


Yung muka niya kanina, ganon na ganon din ngayon. Hindi masyado palasalita si Jaehyun lalo na sakin kaya nabigla ako nang kausapin niya ko. Parang kinabahan ako kahit wala naman dapat ipagkaba.


"J-Joke lang Jae. Wala kong gusto"


"Hmmmm okay"


"Ako crush niyan pre" pag tawa ni Eunwoo. Sinamaan ko naman siya ng tingin at napatingin kay Jaehyun. Napaangat ang isang kilay niya


"Ang kapal mo talaga Eunwoo di kita type 'no!"


"Eh ano type mo Roseanne?" tanong ni Jaehyun


Napalunok naman ako. Hindi ko alam ang isasagot. Bat naman kasi ganon ang tanong niya sakin. Kinakabahan talaga ako


"Roseanne!" napa angat ang tingin ko kay Lisa na nasa labas na ng room namin


"Ah kakain lang kami ng lunch" mabilis kong kinuha ang mga gamit ko. Gusto ko na umalis sa hot seat na 'to jusq


"Sama ako" pag tayo ni Jaehyun


Para akong nagulantang sa bigla. Madalas kasi di pa 'to sasama kundi pipilitin o aayain eh


"Ayos ka lang?" tanong niya sakin na ilang inches lang ang pagitan namin. Napakurap na lang ako


Shit ang pogi niya

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon