YUJU's POV
"Ano mga gusto ni tita?" tanong niya sakin ng makarating kami sa mall
"Halaman" pag tawa ko "Kasali siya dun sa mga fb market place groups tas kung ano ano pinag oorder na halaman"
"Hala weh? Si mama rin eh!"
"Nako baka mag kagroup sila"
"San ba nabibili yon? Ikaw na nga lang pumili sakin"
"Tamad mo talaga lika na nga" pag hila ko sa kamay niya
Halos mag dalawang oras din kami nag iikot sa mall kakahanap ng pang regalo niya. Pero worth it naman dahil ang ganda nung napili namin.
"Ang sakit ng paa ko sayo" giit ko
"Wag ka na mag reklamo. Eto na nga yung ice cream mo oh" napangiti naman ako sa inabot niya
"Kala ko nalimutan mo na eh"
"Takot ko lang sayo 'no" natawa naman ako
Di ko na muna siya pinansin at kumain na ng kumain. Ginutom din talaga ako sakanya 'no, nakakapagod kaya mag paikot ikot
"Ano ba yan ang dungis mo kumain"
Bigla siyang nag labas ng tissue at pinunasan ang labi ko. Napalunok na ako dahil sa sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa.
"Para akong nag aalaga ng baby eh" kunot noo niyang sabi. Grabe ang pogi niya rold
"Baby mo" mahina kong sabi
"Ha?" tanong niya
"W-wala" pag iwas ko ng tingin
Yuju ano yun? Bat biglang lumabas sa bibig ko yun? Masyado na ata akong nadadala sa ice cream. Yun lang siguro dahilan. Oo yun lang talaga
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀