57

71 7 3
                                    

ROSE's POV



Hila hila ako ngayon ni Eunwoo papunta sa isang cabana malapit sa grounds. Pano ba naman kasi ang loko di ako sinabihan na ngayon na namin gagawin yung groupwork. Pinag usapan daw nila last time nung umalis ako at nakalimutan daw niya sabihin sakin tsk.


Di ko talaga alam pero naiinis talaga ako sa presensya ni Miyeon. No offense to her, I just find her annoying kasi ang papansin masyado kay Jae.


"Wow pre thank you sa libre" masayang sabi ni Eunwoo. Bumili kasi si Jaehyun ng meryenda namin


Naglapag na siya ng pagkain pero karamihan ay nilapag niya sa tapat ko. Ano akin ba lahat 'to? Bat andami? Akmang tatabi na sana siya sakin pero bigla siyang pinigilan ni Miyeon.


"Uy dito ka na Jaehyun" pag tapik niya sa tabi niya


Napatingin muna si Jaehyun sakin pero eventually sumunod din siya kay Miyeon. Kusa akong napairap at ito namang si Eunwoo panay pigil ng tawa. Di ko na lang siya pinansin


"Ay weh? Ganto pala yon? Ang galing mo!" giit ni Miyeon kay Jaehyun. Ngumiti lang siya bilang tugon


Isang oras na kami dito at isang oras na silang ganyan. Panay ang landi ni Miyeon sakanya may pahampas pa minsan at tawa kahit wala namang nakakatawang sinabi si Jaehyun. Ang nakakainis pa eh parang okay lang sakanya. Alam ko mabilis siya mairita sa mga ganyang tao kaya naman nafrufrustrate ako bakit hindi niya sinusungunitan si Miyeon samantalang pag sakin para siyang laging may dalaw.


"Ano kaya pa ba roseanne? Panay titig ka diyan wala ka pang naambag dito sa paperwork natin" bulong ni Eunwoo


"Kainis akin na nga yan" pag hila ko ng papel na hawak niya


"Wag mo na kasi ideny na nag seselos ka sakanila"


"Hindi nga kasi sabi" irita kong sabi


"Ah ano Jaehyun pwede paturo nito next time sayo? Sa sat ba free ka?" nahintuan ako sa sinabi ni Miyeon. Inaaya niya bang lumabas si Jaehyun?


Nag tama ang tingin naming dalawa ni Jaehyun. Wag kang umoo please. Wag kang umoo.


"Oo" sagot ni Jaehyun


"Yeyy!" masayang sabi ni Miyeon


Para akong nabagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. Bat ang bilis niya lang umoo pag kay Miyeon? Bakit hindi siya makahindi sakanya? Yung pinakita niyang kabaitan sakin nung mga nakaraang linggo ano yon? Wala lang ba yon?


"Oo na. Nag seselos na ko" bulong ko kay Eunwoo


"Gusto mo na si J-" tinakpan ko naman ang bibig ni Eunwoo. Ang ingay talaga nito.


Napairap ako ng tumingin si Jaehyun samin. Ano date pa sila ah tsk.

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon