JUNGKOOK's POV
"Grabe ka talaga! Lagi na lang sarili mo iniisip mo!" natulala ako sa umiiyak na si Eunha na nasa harap ko ngayon
Sa tagal naging kami di siya mabilis umiyak. Naiiyak lang talaga siya kung kailan seryosong nasaktan na talaga siya. Di ko alam pero parang nanghihina ako nakikita siyang ganyan.
"Anong nangyari?" tanong ko
"Sana binigyan mo ko ng chance mag paliwanag kasi maling mali yang iniisip mo. Kahit kailan hindi ko magagawa yun sayo" paghikbi niya. Para naman akong naestatwa nun "Tingin mo ba talaga kaya kitang lokohin? Out of all people ikaw pinaka nakakakilala sakin kaya pano mo kayang isipin na kaya kong gawin yon sayo"
"What are you talking about?" pag lunok ko. Ayoko isipin pero mukang tama ang hinala ko.
"Alam ko na lahat! Sinabi na sakin lahat!" I knew it. May nag sumbong sa boys at kinuwento sakanya lahat.
Kusang nag lakad ang paa ko papunta sa kabana kung saan andun sila lahat nakatambay ngayon. Di ako makapaniwalang may mag snisnitch sakin ang masama pa may hula na ko kung sino.
"Ano Yugyeom sinumbong mo na agad ako kay Eunha? Kunwari pang curious lang tas diretso kwento?" pagsugod ko sakanila. Tumigil naman silang lahat sa pag tawa at napatingin sakin.
"Jungkook? Akala ko may klase kayo nina Mina at Eunha?" tanong ni Jihyo
"Jungkook kumalma ka nga" pag hawak sakin ni Mingyu
"Di pre gusto ko kausapin natin tong tropa natin na nangsnisnitch eh. Ang sabi ko satin lang tas malalaman ko kinuwento na lahat kay Eunha"
"Anong pinag sasabi mo diyan?" pag tayo ni Yugyeom na iritado na. Ako nga ang dapat mairita sakanya eh.
"Oh bat di ba totoo? Na kinuwento mo kay Eunha yung pinag usapan natin nung isang araw?"
"Ano bang nangyare? Ano pinag usapan niyo?" pamagitna ni Jihyo samin
"Akala ko mapag kakatiwalaan kita tas ganyan ka pala" inis kong sabi kay Yugyeom
"Jungkook ano ba! Hindi siya ang nag kuwento sakin wag mo siyang sisihin!" giit ni Eunha na kakarating lang dito. Kasunod niya si Mina na dala dala ang bag nila.
"Oh edi sino? Wag niyo na kong paikutin pa!"
"Ako nag kwento sakanya pre" pag tayo ni DK sa kinauupuan niya. Bakas ang gulat ng lahat sa sinabi niya. Napachuckle na lang ako.
"Seryoso ka ba diyan? Pano mo nagawa sakin 'to? Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo yun?"
"Kung kaya nila tiisin yung ganyang ugali mo pwes ako hindi. Kaibigan ko rin si Eunha pre kung nag cheat man siya sayo o hindi deserve niyang malaman kung bakit mo siya hiniwalayan"
"Wag kang mangielam sa relasyon ng iba. Wala kang pake kung ganto ako"
"So hahayaan ko na lang? Mag bubulag bulagan na lang ako na okay ang lahat? Kasi di ko kaya yun pre. Importante kayong dalawa sakin at di kaya ng konsensya kong di sabihin yun sakanya"
"Pero wala kang karapatan mang himasok sa kung ano meron samin!"
"Jungkook may point naman siya eh. Sana naman makinig ka samin dahil gusto lang namin mag kaayos kayo" giit ni Yuju
"Ilang beses ko ba dapat sabihin na wala ng maayos? Problema kasi sayo Yuju lagi kang may comment eh"
"Wag ka na kasi makisali dito Yuju. Di ka naman kasi kasali sa usapan at di sa lahat ng oras kailangan ko ng tulong mo" inis na sabi ni DK. Agad namang napasimangot si Yuju
"Tumigil na nga kayo! Pati si Yuju dinadamay niyo pa sa gulo niyo" giit ni Jihyo na agad niyakap si Yuju na mukang paiyak na. Shit masyado na ata yung nasabi ko.
"Ganyan ba talaga kababa tingin mo sakin Jungkook? Ganyan ba talaga kababa tingin mo samin? Na handa kang awayin kami lahat dito dahil lang nalaman namin yung sikreto mo? Akala ko talaga all this time ako yung may problema eh. Pero ikaw pala.. ikaw yung hindi kayang tumanggap ng paliwanag o kahit anong pag kakamali. Ikaw na ngang tinutulungan ikaw pa galit" Nang sabihin yun ni Eunha parang nagising ako sa galit ko. Dun ko lang narealize lahat ng pinagsasabi ko. Shit ano bang nagawa ko?
I fucked up big time
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀