28

91 5 0
                                    

LISA's POV



"Galit ka ba sakin?" napaiwas ako ng tingin. Sabi na tatanungin niya ko eh, kaya ayoko muna siya harapin eh


"Hindi ako galit. Bat naman ako magagalit sayo?"


"Wala ramdam ko lang. Para kasing umiiwas ka sakin eh"


"Akala mo lang yun"


"Sigurado ka ba Lisa? Baka may nagawa ako ayaw mo lang sabihin?"


"Wala nga" mahina kong ngiti. Kaya mo yan Lalisa wag kang pahalata


"Nga pala yung tungkol sa sinabi ko last time. Kaya mo ba ako tulungan kay Minnie?" pag ngiti niya


Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Bat kailangan pa niyang ipaalala?


"Gusto mo talaga siya 'no?"


"Ah eh.. oo hahah" ang sakit putcha


"Sigurado ka ba diyan Bam? baka naman di ka seryoso?"


"Seryoso ako Lisa. Wag ka mag alala di ko sasaktan kaibigan mo" pag ngiti niya "So ano? Payag ka na ba tulungan ako?"


Parang pinipiga yung puso ko habang pinapakinggan yung mga sinasabi niya. Di ko naimagine na magiging ganto kasakit na marinig siyang sabihin na may iba siyang babaeng gusto


"Magiging masaya ka ba diyan?" tanong ko


"Oo naman. Bat mo natanong?" Napabuntong hininga na lang ako


"Sige tutulungan na kita"


"Talaga? yun oh!" masayang pag yakap niya sakin


Okay lang masaktan, basta masaya siya

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon