119

57 3 0
                                    

YUJU's POV



"Hoy ano ba one minute na lang bagong taon na kumakain ka pa rin diyan?" talak ni Dokyeom


"Kung inggit ka kumain ka na lang din" pag irap ko


"Halika na halika na" pag hila niya sakin habang may dala dalang kaldero


Sobrang ingay na sa bakuran namin at punong puno na ng mga paputok ang lugar. Panay ang hampas niya ng kaldero may balak pa ata siyang sirain kaldero namin


"5... 4... 3... 2... 1... HAPPY NEW YEAR!" sigawanan ng mga tao


"Tara talon tayo baka tumangkad pa tayo" pag hila niya sakin. Natawa na lang din ako at nakitalon


"Sira ka talaga"


"Aba malay mo naman may mangyare nga talaga"


Masayang masaya ang buong oras dahil syempre kasama ko fam ko pati na rin ang fam ni DK. Ilang years na rin kami nag celebrate ng new year magkakasama dahil super close talaga namin sa isat isa


"Sana ngayong taon at sa mga susunod na taon kasama pa rin kita lagi" nakangiting sabi niya


Di ko alam pero nung sabihin niya yun parang huminto ang mundo ko. Lately talaga nag iiba na ang nararamdaman ko para sakanya. At alam kong ganon din naman siya.


"Oo naman" masaya kong sabi at ginulo ang buhok niya


Bawat taon sisikapin kong kasama kita lagi

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon