03

114 7 1
                                    

EUNHA's POV


"Mina pwede upo ka sa pagitan namin ni Jungkook mamaya sa klase?" kaklase ko kasi si Mina at JK


"Ah okay lang naman. Ang tanong tatabi ba siya satin?" ewan ko. Di ko alam bat kami nag kaganito ni JK


Pag pasok namin nakaupo na si JK sa madalas namin inuupuan Shit lang oh! Naglakad na si Mina papunta sa tabi ni JK. Sumunod lang ako sakanya


"Oyy Minari andyan ka na pala" giit ni Jungkook. Si Mina lang napansin? Eh ano ako? Hangin lang?


"Oo nga eh. Buti di pa kami nalate" umupo na kami sa tabi nitong ex ko


Grabe talaga ni hindi man lang ako tinitignan. Panay ang kwentuhan nilang dalawa, di man lang ako sinali. Anong problema nito? Nanghingi lang siya ng space at pumayag naman ako tas ngayon di na siya namamansin kahit sa personal? Anong klaseng space yun?Parang di na ko nag eexist eh


"Kainis talaga feeling gwapo. Ayaw pa mamansin" bulong ko habang iritang nag susulat


"May extra ballpen ka ba Mina?" rinig kong tanong ni JK. Napairap na lang ako


"Ay wala eh. Pero etong si Eunha alam ko marami"


"Wala!" pag sagot ko agad kahit meron ako


Napatingin ang ilang kaklase ko. Napalakas ata sagot ko


"Okay. Di naman tinatanong" bulong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin ang kapal talaga nito tsk! Bahala siya diyan

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon