Prologue

176K 1.8K 55
                                    

@MissHeylaine


Prologue

Mula pagkabata ay pangarap na ni Ellie ang makatagpo ng isang lalaking mamahalin at magmamahal sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Dalawang araw mula ngayon ay ikakasal na siya sa kanyang fiancé kaya naman walang pagsidlan ang kaligayahan na nadarama niya.


Kasalukuyan siyang nakaupo sa pampang habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Ramdam niya ang malamig na hangin na humahampas sa kanyang mukha na lalong nagpapagaan sa kanyang kalooban. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa siya pinagmamasdan ng ama mula sa malayo.





"Anak, anong ginagawa mo dito? Ang aga mong gumising." Tanong ni Edgardo kay Ellie bago umupo sa tabi niya.





"Papa, hindi na ako makatulog." Nakangiting tugon niya sa ama. "Paano mo nalaman na nandito ako?"





"Saan ka pa ba pupunta? Alam ko naman na ang tabing dagat ang paborito mong pasyalan."





Napakasimple ng buhay na kinalkhan ni Ellie hindi naman masasabing naghihirap sila dahil may munting negosyo ang kanyang ama sa kanilang bayan. Kung gugustuhin nilang mag-aama ay pwede silang manirahan sa city ngunit mas pinili nilang manatili sa kanilang bahay na nasa tabing dagat kung saan nadito ang lahat ng masasayang ala-ala ng kanilang pamilya.





Isang matamis na ngiti lamang ang sinagot niya sa ama.





"Siguro excited ka na sa kasal mo?" patuloy ni Edgardo. Ang tanging kaligayahan niya ay ang makita ang mga anak na masaya kaya naman wala siyang tutol  ng magdesisyon ang kanyang bunso na pakasalan na ang nobyo.


"Ang papa talaga!" sabay hilig sa balikat ng ama.





"Ellie bago ko makalimutan mamaya may mga aasikasuhin ako, pwede bang pakidaanan mo yung mananahi ng barong ko. Aba sa isang araw na ang kasal mo hanggang ngayon hindi hinahatid sa akin."











"Okay ako na po ang bahala doon. Tamang tama dadaan na rin ako kay Ryan baka may mga details pa siyang nakalimutan." Tukoy niya sa kanyang fiancé at ilang araw na lamang ay magiging asawa na niya.


Pagkatapos mag-almusal ay umalis na si Ellie para asikasuhin ang isusuot ng ama, gusto rin niyang sorpresahin ang nobyo kaya napagdesisyunan niya na hindi ipaalam dito na darating siya. Mabuti na lamang ng makarating siya sa shop ay nakahanda na ang barong ng ama, at matapos bayaran ito ay nagmamadali na siyang umalis. Pinarada niya ang kotse sa tapat ng apartment ni Ryan at dali-dali siyang umibis, excited din siyang Makita ang boyfried dahil nitong mga huling araw ay pinagbabawalan na sila ng mga magulang na magkita dahil sa matandang paniniwala ng mga ito.





Napangiti siya ng bumukas ang seradura ng pihitin niya ibig sabihin nito ay nasa loob ang nobyo. Dahan-dahan siyang pumasok ngunit siya ang nasorpresa sa naabutang eksena. Kitang kita niya si Ryan na nakikipaghalikan sa halos hubad ng babae. Nanginginig ang buong katawan ni Ellie dahil sa nasaksihan.





"Mga walanghiya kayo!" mabilis niyang sinugod ang mga ito.





"Anong ginagawa mo dito?" tila asar pa na sabi ni Ryan sabay yapos sa babaeng kasama.





"Hayop ka! ang sama mo!" pinagbabayo ni Ellie ang braso ni Ryan habang ang huli ay pilit na pinoprotekhan ang babae para hindi masaktan.





"Ellie, umuwi ka na muna mamaya mag-uusap tayo." Utos ni Ryan.





"No! ngayon tayo mag-usap Ryan. Iyang babaeng yan ang paalisin mo." Sabay duro ni Ellie sa babaeng nakatago sa mga bisig ng nobyo.





"The wedding is off... si Shiela ang mahal ko." Diretsong sabi ni Ryan sabay talikod ng mga ito sa kanya.





Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi ni Ryan, tuluyan na siyang napahagulgol. Patakbo siyang lumabas sa apartment ng binata at pabalibag niyang isinarado ang pintuan ng kotse niya. Ilang minuto rin ang pinalipas niya bago napagdesisyunan na umuwi. Tunay na pagmamahal ang ibinigay niya dito pero walang pakundangan nitong sinaktan siya ngunit hindi siya susuko, naniniwala pa rin siyang may isang lalaking darating na tapat na magmamahal sa kanya.

________________________

Please support my audiobook in yt (terelou1220). Thank you

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon