Chapter 37 part 1
Panay ang usal ng dasal ni Luisa habang nasa operating room ang kapatid. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong takot.
Kung kaya lamang bilhin ang kaligtasan ng kapatid ay gagawin niya ngunit sa ganitong pagkakataon tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam sa maaring kahinatnan ni Ellie at ng magiging anak nito.
Halos labing dalawang oras na ang lumipas mula ng ipasok si Ellie sa operating room. "God please save my sister." Lumuluhang usal ni Luisa. Ngayon niya nahiling na sana hinayaan na niya ang asawa na sumama sa kanila para may karamay siya ng mga sandaling yun. Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi niya namalayan ang papalapit na pigura.
"How's your sister?" Kitang kita sa mukha ng kanilang ama ang pag-aalala.
"P-Papa, what are you doing here?" Mabilis na pinunasan ni Luisa ang mga luha. Gulat na gulat siya sa biglang pagdating ng kanilang papa.
"Sinamahan ako ni Ric." Sabay lingon nito sa paparating na lalaki bago muling nagsalita. "Kumusta si Ellie? Anong nangyari sa kapatid mo? Akala ko bukas pa ang schedule niya?" Sunud-sunod na tanong ng matanda.
Naramdaman na lamang ni Luisa ang pag-akbay sa kanya ng asawa at marahang pagpisil sa balikat nito. "Nasa operation room pa rin siya and I'm still waiting for the result." Gumagaralgal ang boses niya habang nagsasita.
Mabilis na inalalayan ni Ric ang biyenan ng makita ang pamumutla. "Papa, nangako ka sa akin na lalakasan mo ang loob mo kaya isinama kita rito." Pagpapaalala nito sa napag-usapan nila bago umalis ng Pilipinas.
Marahang tumango ang matanda at biglang nanahimik.
"Akala ko ba darating si Dale Rafael?" Tanong ni Luisa sa asawa.
"Napakawalang hiya talaga ng Monteverde na iyun!" Biglang naging mabalasik ang tinig ng matanda.
"Huh?" Gulat na napalingon si Luisa sa ama. Kitang kita niya ang pagtatagis ng bagang nito.
"Muntik ng mawala sa atin ang lahat dahil sa kanya. Hindi ko palalampasin ang ginawa niyang kalokohang ito." Patuloy ni Edgardo.