Chapter 23 part 2
"Ellie, while waiting for ate Luisa kain muna tayo, kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko sa tiyan." Reklamo ni Trisha. Kaninang tinawagan ng kaibigan ang kapatid kasalukuyan pa itong nasa meeting kaya maghihintay pa sila ng mga isang oras. Sinabi nito na magkita na lamang sila sa isang coffee shop.
"Yeah, nagugutom na rin ang baby ko."
Pagkarinig sa sinabi ng kaibigan ay mabilis na nagmaniobra si Trisha papunta sa isang mamahaling restaurant. "I'm sure magugustuhan mo ang mga food dito." Nakangiting sabi ni Trisha.
Pagpasok nila ay pinili ni Ellie na umupo sa medyo tagong lugar dahil medyo nakakaramdam siya ng pagkahilo. "Trish, biglang sumama pakiramdam ko." Napasapo pa siya sa kanyang noo.
"You look pale Ellie, baka nalipasan ka ng gutom." Mabuti na lamang ay agad nakasunod sa kanila ang waiter para kunin ang order nila. "Pakibilisan lang please, gutom na itong buntis na kasama ko." Pakiusap ni Trisha dito matapos ibigay ang kanilang mga order.
Habang kumakain sila ay naalala na naman ni Trisha ang bruhang si Martina. "Ellie, nagdududa ako sa babaeng yun."
"Huwag mo na lang pansinin yun, bawal akong mastress baka kung ano pa ang manyari sa anak ko." Malumanay na tugon ni Ellie habang patuloy sa pagsubo. Hindi niya hahayaan na maapektuhan ang kanyang pagbubuntis dahil lamang kay Martina o kay Dale Rafael.
"You're right, but is it for you to change your doctor?" Seryosong tinitigan ni Trisha ang kaibigan. May gusto siyang sabihin dito ngunit iniisip niya kung paano ipaparating na hindi ito mag-aalala.
"Transfer to a different doctor? Ang sabi sa akin kanina ni Dra. De Villa I can ask for a second opinion if I have doubts with the results."
"I'm just concern to you." Napahugot ng malalim na buntong hininga si Trisha.
"Alam ko naman yun, that's why I am very thankful to have you as my friend." Matamis na nginitian ni Ellie ang kaibigan.