A.N.
Happy reading ^ ^
Please don't forget to vote and leave your comments :)
_________________
Chapter 13 part 1
Tinotoo nga ni Dale Rafael ang sinabi, halos dalawang linggo lamang ang lumipas ng huli silang mag-usap ni Ellie at ngayon ay araw ng kasal nila.
Mula sa balkonahe ng kuwartong ginagamit ni Dale Rafael ay tanaw niya ang payapang karagatan. Pinag-iisipan niya kung ano ang mangyayari sa sampung buwang pagsasama nila ni Ellie. Napakislot siya ng may narinig siyang nagsalita buhat sa likuran niya.
"Now you prove it to me that money can buy everything." Nakangising sabi ni Xander, tumayo rin siya sa may balkonahe sa tabi ng kaibigan. Alam niya ang tungkol sa kasunduan nito at ni Ellie.
Natawa si Dale Rafael sa sinabi ng kaibigan. "You know me... hindi ako nagpapatalo sa lahat ng pagkakataon." May halong pagyayabang ang boses nito.
"Yeah, lalo na si Ellie pa ang magiging asawa mo. Kaya lang kawawa naman siya sayo, habang may oras pa itigil mo na ang kalokohang ito. I can help you to explain your side to tita Althea. Alam ko naman na siya ang inaalala mo kung bakit ginigipit mo ngayon si Ellie." Umaasa si Xander na makumbinsi niya ang kaibigan.
Seryosong tinitigan ni Dale Rafael ang kaibigan, wala ng makakapigil sa pagpapakasal niya. "Mind your own business. Akala mo ba wala akong alam sa ginagawa mo kay Lynette."
Tinawanan na lamang ni Xander ang kaibigan. "I just want to warn you dude... Ingatan mo si Ellie dahil ngayong nawawalan na ako ng pag-asa kay Lynette..." Ibitin niya ang sasabihin ng makitang namula sa galit ang kausap.
"After our wedding.. Ayokong makikitang lalapit ka sa asawa ko." Mariing sabi ni Dale Rafael.
Natawa si Xander sa naging reaksiyon ng kaibigan. Mukhang hindi nga nila matatapos ang sampung buwan na kasunduan dahil mukhang si Dale Rafael mismo ang magpapakumbaba kay Ellie. Nakatalikod na si Xander ng muli siyang magsalita. "Dude, ang ganda ng beach house ng mapapangasawa mo... Huwag kang magkulong dito, dapat binabantayan mo siya dahil baka biglang magbago ang isip." Pang-aasar ni Xander.
"Gago! Tigilan mo ako." May inis pa rin sa tinig ni Dale Rafael. Hindi na puwedeng umurong si Ellie at isa pa ay wala naman itong mairereklamo sa kanya dahil sinunod niya ang lahat ng gusto nito sa kanilang kasal. Pero sa totoo lang ay mas naging pabor sa kanya ang kagustuhan ni Ellie ng simple at pribadong kasal na ang tanging mga imbitado ay ang mga malalapit lang nilang kamag-anak at kaibigan. Dahil hindi pa lubos na magaling ang ama nito kaya napagdesisyunan nilang dito na lang mismo sa beach house nila gaganapin ang kasal.