A.N.
Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^ thank you.
______________________
Chapter 21 part 2
Agad na napatayo si Trisha mula sa kinauupuan kung saan tanaw niya ang kaibigan habang nakikipag-usap ito kay Dale Rafael. Kitang kita niya ang pagmamadali ni Ellie na makalabas sa coffee shop ngunit bago niya sinundan ang kaibigan ay pinuntahan muna niya si Dale Rafael. "Siguro titigilan mo na ang kaibigan ko. She deserves to be happy." Seryoso nitong turan sa lalaki at walang lingon likod na itong umalis.
Naabutan na niya si Ellie sa parking lot. "Let's go, kanina pa tumatawag si tito Edgardo."
"Anong sabi mo kay papa?" Biglang kinabahan si Ellie, hindi dapat malaman ng kanyang ama na nakipagkita siya kay Dale Rafael dahil tuluyan na itong mawawalan ng tiwala sa kanya.
"Don't worry, sabi ko lang nagstop over tayo kasi nagugutom ka na. Kumusta na naman ang nagging usapan ninyo?" Usisa ni Trisha sa kaibigan.
"Trish, gusto ni Dale Rafael na subukan naming ayusin..."
"Oh God Ellie! Do not return to a relationship that had you in misery. Stay happy and stay free, you need to be available for the right one." Putol ni Trisha sa mga sasabihin pa sana ng kaibigan.
Napabuntong hininga lang si Ellie. Sang-ayon siya sa sinabi ng kaibigan, tanggap na niyang hindi si Dale Rafael ang nakatakda para sa kanya mas gusto na lang niyang pagtuunan ng pansin ay ang magiging anak niya. Alam niya na hindi ganun kadali maging single parent pero pinapangako niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat mapalaki lang ng maayos ang anak.
"Uy! Bakit bigla kang nanahimik diyan? Huwag ka sanang magagalit sa akin kung pati ako ay tutol kay Dale Rafael."
"Naiintindihan ko naman kayo. I know you're just concern." Nginitian ni Ellie ang nagmamanehong kaibigan.
"Pero friend sa tingin mo magkakabalikan ba si Martina at Dale Rafael?" Usisa ni Trisha.
"Maybe, childhood sweetheart niya si Martina kaya malalim na ang pinagsamahan nila." Nakayukong tugon ni Ellie. Lalo siyang nasasaktan tuwing iniisip ang tungkol dito.
Hindi manhid si Trisha para hindi niya mahalata ang nararamdaman ng kaibigan. "Ang mabuti pa simulan mo nang makipagdate sa iba para tuluyan mo ng makalimutan ang Dale Rafael na yan." Pilit niyang pinapasigla ang tinig.
Naubo si Ellie sa sinabi ng kaibigan. "Sa tingin mo sino ang luko lukong lalaki ang gustong makipag date sa babaeng anim na buwan ng buntis?" Halos pandilatan niya si Trisha na ngiting ngiti.