Chapter 13 part 2

39.6K 1K 20
                                    

A.N. 

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

_____________________________


Chapter 13 part 2

Isang simpleng seremonya lamang ang naganap dahil na rin sa kagustuhan ni Ellie. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay isisilang niya ang anak na may tatayong ama.




"Now that you're married...What's your plan now?" Seryosong tanong ni Gabriel sa anak habang salo salo silang naghahapunan.





"Kailangan ako sa main branch ng Monteverde bank. I can't stay here but I'll visit my wife as long as my schedule is free." Napag-usapan nila ni Ellie ito na hindi siya sasama sa Manila dahil ito rin ang katulong ng ama sa pag-aasikaso ng negosyo nila.





"Iiwan mo ang asawa mo dito?" Hindi makapaniwalang sabi ni Althea. Tinitigan niya rin ng may pagbabanta ang anak.





"Mas makakabuti na rin na nandito sa Ellie sa tabi ko para maalagan namin siya. At makakasiguro akong walang mananakit sa kanya." Sabad ni Edgardo, mas pabor sa kanya kung mananatili ang anak sa Candelaria para hindi na niya aalalahanin ito.





Biglang nabalutan ng tensiyon ang hapag kainan. Halos walang makapagsalita sa bawat isang naroroon ng magsalita si Edgardo.





Napikon si Dale Rafael sa sinabi ng biyenan, pakiramdam niya ay harapan siyang ininsulto nito. Iniisip pala ng in-laws niya na wala siyang mabuting gagawin kay Ellie.





"Papa...napag-usapan na natin ito di ba?" Pilit na humihingi ng pang-unawa si Ellie.





"Balae, huwag kang mag-alala kung sasama si Ellie sa Manila. We'll assure you that everything will be fine. Nandoon kaming mag-asawa at hindi naman namin hahayaan itong si Dale Rafael sa mga kalokohan niya." Si Althea na ang bumasag ng katahimikan. Naiintindihan niya rin naman ang sentimiyento ni Edgardo dahil kahit siya ay nag-aalala kay Ellie. Kilala niya ang anak niya pagdating sa mga babae.





Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon