Chapter 11 part 1

41.1K 1K 34
                                    

A.N.

Sorry guys kung hindi ako nakakapag update ng weekends.. yun lang kasi ang time ko para mag rest.. heheheh ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments.   :)

________________________


Chapter 11 part 1


Nagpupuyos sa galit si Dale Rafael dahil sa pagsugod ni Luisa Villegas sa kanyang opisina. Halos hindi man lang niya naipagtanggol ang sarili sa mga maaanghang na salitang binitiwan nito. Pagbintangan ba naman siya nito na siya daw ang may kasalanan kung bakit naospital ang ama at kung bakit nagkakagulo ang pamilya nila.




Pabagsak na isinandal niya ang kanyang likod sa swivel chair at mariing ipinikit ang mga mata. Nasa ganitong ayos siya ng mapasukan ni Xander.




"Dude, what's going on? You look miserable."




Napailing si Dale Rafael bago umupo ng tuwid. "Nandito si Luisa Villegas kanina."




"Another woman? Damn! Kailan ka ba magtitino?"




"She's the eldest sister of Ellie Rodriguez..." hindi pa natatapos magsalita si Dale Rafael ay muling sumingit na naman si Xander.




"Pati ba naman yung kapatid hindi mo pinaligtas..? May halong pagkainis na ang boses ni Xander.




"You should listen to me first, bago ka bumuo ng conclusion mo."





Nanahimik si Xander, hinihintay niyang muling magsalita ang kaibigan. Parang nakikita na niyang may malaking problemang kahaharapin ito.





Napabuntong hininga si Dale Rafael. "Ako daw ang may kasalanan sa pagkakasakit ni Mr. Rodriguez at pinagbantaan pa niya ako na pagbabayaran ko daw ang ginawa kong panggugulo sa pamilya niya." Tila batang pagsusumbong nito sa kaibigan.





"Ano ba kasi talaga ang plano mo kay Ellie?" Ito ang isa sa mga dahilan ng ipinunta ni Xander ang kumbinsihin ang kaibigan na maging responsable.


Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon