Chapter 18 part 2
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Luisa habang papalapit sa kapatid ng mapansin na malungkot ito. "Ellie, sino yung bisita mo?" Tukoy ni Luisa kay Martina. Nakasalubong niya ito sa driveway at hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtitig nito sa kanya."That's Martina ex-girlfriend ni Dale Rafael." Malamyang tugon ni Ellie.
Naningkit ang mga mata ni Luisa, kilala niya sa pangalan ang childhood sweetheart ni Dale Rafael dahil nang makakwentuhan niya si Althea ay nabanggit nito ang tungkol sa babae. Sa mga kwento ni Mrs. Monteverde ay nabuo na anf pagkadisgusto niya rito. "Ano ang ginagawa niya rito?" Nanatiling nakatayo si Luisa habang nakahalukipkip ang mga kamay.
"Nag apology lang yung tao sa mga nasabi niya sa akin ng huli kaming magka-usap." Sabay buntong hininga ni Ellie. "Ate mabuti napadaan ka, tatawagan sana kita."
"May pinuntahan akong malapit dito kaya naisip kong dalawin ka. Kumusta ang pakiramdam mo? Lagi ka pa rin bang nahihilo?" May pag-aalala sa tinig ni Luisa. Hinila niya ang isang silya at umupo sa tabi ng kapatid.
"Ate gusto ko ng umuwi sa Candelaria." Simula ni Ellie.
Halos hindi naman makakilos si Luisa sa kinauupuan sa sinabi ng kapatid. "Nag-away ba kayo ni Dale Rafael? Sinaktan ka ba niya? Nasaan ang magaling mong asawa?" Nagsimula ng tumaas ang boses ni Luisa.
Marahang umiling si Ellie. "Hindi kami nag-away naisip ko lang na walang patutunguhan itong relasyon namin lalo na ngayong bumalik si Martina. Nasa Bukidnon siya ngayon may mga inaasikasong problema sa plantasyon nila."
"This is what I'm telling you since then, kaya lang ang tigas ng ulo mo sumige ka pa rin. Kaya mo naman buhayin ang magiging anak mo ng wala ang lalaking yun." Panenermon ni Luisa sa kapatid. Mula sa simula ay tutol na siya sa desisyon ni Ellie.
"Ate please I don't need this right now."
"Bakit biglang nagbago ang isip mo? Before you kept on telling me that you'll teach him a lesson. Anong nangyari Ellie?" May halong panunumbat na ang tinig ni Luisa. Ayaw niya sanang gawin ito kaya lang ay kailangan ng makatikim ng mabibigat na salita ang kapatid para magising.
Matagal na hindi nakasagot si Ellie. Tama nga naman ang kanyang kapatid walang nangyari sa dalawang buwan na pagsasama nila ni Dale Rafael. "Ayoko na ate, mas makakabuti siguro kung tapusin na namin ito."
"May kinalaman ba si Martina dito?" Nagsisimula ng maghinala ni Luisa sa biglaang pagbabago ng isip ng kapatid.
Hindi na nagdalawang isip si Ellie ikinuwento niya sa kapatid ang tungkol sa pagkakasakit ni Martina na naging dahilan nito para layuan si Dale Rafael.
"Pinaniwalaan mo naman ang sinabi ng babaeng yun? Oh my God Ellie! Huwag kang basta maniwala sa mga taong hindi mo kakilala." Napatampal sa noo si Luisa.
"Actually ate, I didn't buy her alibi. Wala na akong pakialam kung nagsisinungaling siya kaya lang yun ang gagamitin ko para makaalis na sitwasyon ko ngayon. I feel exhausted, at alam ko hindi naman tututol si Dale Rafael dahil pabor sa kanya ang gagawin ko." Mahabang paliwanag ni Ellie.
"Akala ko ba tuturuan mo siyang mahalin ka?" Tinatantiya ni Luisa kung buo na ba ang desisyon nito.
"That's what I thought but I realized love should not be forced." Mapait na nginitian ni Ellie ang kanyang ate. Tanggap na niya na ang isang Dale Rafael Monteverde ay hindi siya mamahalin dahil iisang babae lamang ang laman ng puso nito.
"Ellie, are you sure with your decision? Dahil pag-alis mo sa pamamahay na ito nasisiguro kong hindi hahayaan ng papa na makalapit pa ang lalaking yun sa inyong mag-ina. Kakayanin mo ba?" Seryosong tanong ni Luisa. Sa isa pang pagkakataong ay hahayaan na naman niya ang kapatid na magdesisyon para sa sarili.
Tumango si Ellie. Wala ng makapagbabago sa kanyang pasya, hindi niya hahayaan na lalo pa siyang masaktan. Habang hindi pa huli ang lahat ay lalayo na silang mag-ina.
Napakagat sa pang-ibabag labi si Ellie ng biglang may maalala. "Ate, natatakot ako na baka gipitin ni Dale Rafael si papa tungkol sa loan niya sa Monteverde Bank."
"Hindi problema yun. Kahit ngayon ay kaya kong bayaran ang loan ng papa." Mabilis na tugon ni Luisa. Pagdating sa pera ay wala siyang masasabi sa asawa laging nakasuporta ito sa kanya.
"Dapat makausap natin ang papa tungkol dito."
"Alam mo namana mo ang katigasan ng ulo ni papa. Kung sana sinabi niya sa akin na kailangan niya ang additional capital para sa plano niyang expansion hindi na sana tayo nagkautang sa pesteng bangko ng mga Monteverde na yan." Nagsisimula na naman mag-init ang ulo ni Luisa tuwing naalala niya ang dahilan ng pagkikita ng kapatid at ni Dale Rafael.
"Ate, nasabi na ng papa ang dahilan sa'yo di ba? Ayaw niyang pagmulan ito ng away ninyo ni kuya Richard. Nahihiya siya sa asawa mo dahil napakabait nito at marami na rin siyang naitulong sa atin." Pagtatanggol ni Ellie sa kanilang ama.
Napapiling na lamang si Luisa bago iniwan ang kapatid. Inutusan niya si manang Ansing na iempake na nito ang lahat ng mga gamit nila.