Chapter 22 part 1

42.8K 1.1K 46
                                    

A.N. 

Hello guys, alam ko na nabibitin kayo sa mga short updates ko. Pasensiya na kasi hanggang diyan lang ang kaya ng time ko, marami rin po akong responsibilidad sa company namin and writing here in watty is my stress reliever kaya sorry po kung laging bitin ang mga stories ko ^ ^*

____________________

Chapter 22 part 1

Hindi makahinga si Ellie habang binabasa ang financial report ng kanilang mango farm, wala sa hinagap niya na aabot sa ganitong sitwasyon ang kanilang negosyo. Ngayon siya nagiguilty dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ibinenta ng kanyang ama ang iba nilang negosyo.




Napatuwid sa pagkakaupo si Ellie ng makarinig ng mahihinang katok sa labas ng opisina niya. Inaasahan niya na darating si Trisha ngayon dahil inaalok siya nitong maging business partner.




"Papa, akala ko masama ang pakiramdam mo? Dapat kanina ka pa umuwi." Nag-aalalang sabi ni Ellie sa ama.




Pagpasok pa lamang ni Edgardo ay napansin na niya ang folder na nasa ibabaw ng mesa ng anak. "Nabasa mo na pala ang financial report." Malungkot itong umupo sa couch na nasa tapat ng anak.




"Bakit hindi ninyo sinasabi sa akin na since last year pa pala we're having problem with our mangoes?" Alam ni Ellie na mahal na mahal ng kanyang ama ang mango farm nila dahil ito ang kauna-unahang property na naipundar ng kanyang mga magulang.




"Ayokong mag-aalala ka." Malungkot na tiningnan ni Edgardo ang problemadong anak. Alam niya na pareho lang sila ng pinag-aalala nito. Ang limang grocery stores nila ay naibenta na niya para mabayaran ang loan sa Monteverde Bank at para maipangdagdag din sa mga pangangailangan pa ng farm.




"Papa, anong dahilan ng mga kliyente natin bakit hindi nirenew ang contract nila sa atin?" Gustong alamin ni Ellie ang detalye, nagbabakasali siya na magawan pa niya ito ng paraan.




Ipinaliwanag ni Edgardo sa anak na naloko sila ng supplier nila ng gamot para sa pagpapabulaklak kaya ang nangyari ay hindi nila naabot ang quota ng kanilang mga kliyente kaya naghanap ang mga ito ng ibang supplier.




Napabuntong hininga si Ellie, kailangan niyang makahanap ng solusyon sa kinahaharap nilang problema. "Papa, dito muna ako para matulungan kita sa farm." Sa isang araw sana ay sa Manila muna siya mananatili hanggang makapanganak para mas malapit siya sa hospital.




"Anak, sa tingin mo kakayanin mo pa bang magsupervise sa farm. Ang laki laki na ng tiyan mo, mas mapapanatag ako kung nandun ka sa ate Luisa mo." Protesta ni Edgardo, hindi niya hahayaang mapahamak ito at ang kanyang magiging apo dahil lamang sa pag-aasikaso sa mga problema nila.

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon