Chapter 31 part 1
"Let's go, hindi na darating yun." Aya ni Edgardo sa mga anak.
"Papa, baka naman natraffic lang yung tao. Nangako siya kay Ellie na siya ang magsusundo dito." Tipid na nginitian ni Luisa ang kapatid. Kagabi ay ibinalita niya kay Dale Rafael na makakalabas na si Ellie at napagkasunduan nila na ito na mismo ang susundo sa asawa.
"Natraffic? Luisa we were waiting for almost an hour now. Kahit message o tawag ay wala tayong natatanggap sa kanya mabuti na lang ay pinagpilitan kong puntahan ang kapatid mo rito kundi parang tanga siya na naghihintay sa wala." Mahahalata na ang pagkabagot sa boses ng matanda. Nang sabihin ni Luisa na nagkaayos na si Dale Rafael at Ellie ay may kaba siyang nararamdaman. Bilang ama ang tanging hangad niya sa mga anak ay maging maligaya ang mga ito ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya komportable sa pagkakaayos ng relasyon ng kanyang bunso.
"I'm gonna call him. Para alam natin kung mauuna na tayo." Mabilis na kinuha ni Luisa ang cellphone sa loob ng bag nito.
Tahimik lamang na nakikinig si Ellie sa kanila. Nagtataka rin siya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa si Dale Rafael.
"He's not answering his phone." Malungkot na baling ni Luisa sa kapatid.
"Baka busy ate." Nagpakawala na lamang ng malalim na buntong hininga si Ellie. Kahit kailan talaga ay priority ni Dale Rafael ang kanyang negosyo akala pa naman niya ay totoong nagbago na ito.
"Let's go, huwag na kayong umasa na darating pa ang lalaking yun." Naunang ng tumalikod ang matandang lalaki, bitbit nito ang ilang gamit ng anak.
Matamlay na sumakay si Ellie sa wheel chair habang inaalalayan siya ng nurse na nakaassign sa kanya.
"Hey, cheer up sis. Baka naman naipit lang sa importanteng meeting ang asawa mo. Bawal sa'yo ang mastress isipin mo ang baby mo." Sabay pisil nitonsa kanang balikat ni Ellie. Pilit na pinapasigla ni Luisa ang boses pero sa totoo lang ay nabubuhay na naman ang inis niya para kay Dale Rafael hindi na lang sana nangako ito kung hindi naman niya kayang tuparin.
Samantalang sa mansion ng Monteverde ay nag-aalala ang buong mag-anak lalong lalo na ang kanilang padre de pamilya. Kaninang umaga ay nakatanggap ng mga kakaibang text messages si Althea hindi niya ito pinansin ngunit kinabahan na siya sa huling mensaheng natanggap may halo na itong pagbabanta. Ipinakita niya ito kay Gabriel at ang sabi ng huli ay baka gawa lang ito ng mga kakompetensiya nila sa negosyo. Medyo nabawasan ang pag-aalala ni Althea ngunit ng makatanggap ng regalo na walang nakalagay kung kanino galing ay muling bumilis ang tahip ng kanyang dibdib.