Chapter 33 part 2
Inabutan ni Luisa ang kapatid na namamahinga sa balkonahe ng kuwarto nito. Agad niyang napansin ang kalungkutan sa mga mata nito,napapailing na nilapitan niya si Ellie.
"Ellie, tinawagan ka ba ni Dale Rafael?" Pilit na pinasigla ni Luisa ang tinig para kahit paano ay gumaan ang nararamdaman ng kapatid.
Mabilis na napalingon si Ellie at mahahalata sa mukha nito ang pagkagulat sa biglaang pagsulpot ng kanyang ate. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito. "Ate naman, you scared me!" Tutop ng kanang kamay niya ang dibdib.
"Ang lalim naman kasi ng iniisip mo kaya hindi mo naramdaman ang pagpasok ko. Tigilan mo iyang pag-iisip tungkol sa operasyon mo, basta magtiwala ka na magiging maayos ang lahat." Nakangiting turan ni Luisa bago naupo sa deck chair.
Pilit na ngiti na lamang ang tugon ni Ellie para hindi na siya kulitin ng nakakatandang kapatid. "Bakit mo pala tinatanong kung tumawag si Dale Rafael?" Biglang tanong ni Ellie ng maalala ang sadya ng kapatid.
"Kasi naman tinawagan niya ako kanina, ang sabi niya kanina ka pa niya tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang celphone mo. Nag-aalala ang loko...imagine nasa kalagitnaan ako ng meeting ng istorbin ako ng asawa mo." May halong pang-aasar ang tinig ni Luisa.
"Eh di sana hindi mo tinanggap ang tawag niya."
"Sus! Sabihin ba naman sa secretary ko na emergency. Ikaw ang agad na naisip ko akala ko naman may masamang nangyari sa'yo. Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag niya? Huwag mong sabihin na may problema na naman kayo?" Pinalakihan pa ng mga mata ni Luisa ang kapatid.
"Nakasilent mode yata ang phone ko ate." Hindi sigurado si Ellie sa kanyang sagot.
Nagkibit balikat na lamang si Luisa bago muling nagsalita. "He's coming, baka nga nasa baba na siya." Kinindatan pa nito si Ellie bago niya ito iniwan.
Biglang nataranta si Ellie ng malaman na parating si Dale Rafael. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa kanila ay hindi niya maitatangging mahal niya pa rin ang asawa.
Samantalang si Dale Rafael ay hindi mapakali habang hinihintay si Ellie. Kaninang tinawagan niya si Luisa ay ipinaalam niya rito na gusto niyang makita ang asawa kaya laking pasasalamat niya ng ito pa mismo ang nagsabi na puntahan niya si Ellie.
"Dale Rafael! kanina ka pa ba?" Nakangiting bungad ni Luisa ng abutan nito sa sala ang lalaki.
"Kadarating ko lang ate, kumusta si Ellie?" Mababakas sa tinig nito ang pag-aalala para sa asawa.
Imbes na sagutin ni Luisa ang tanong ng bayaw ay tinawag nito ang isa sa mga katulong. "Lilay, samahan mo ang sir Rafael mo sa kuwarto ng ate Ellie mo." Mabilis na utos niya sa katulong at tinapunan ng matamis na ngiti si Dale Rafael.
"Thank you ate." Hindi makapaniwala si Dale Rafael sa paraan ng pakikitungo sa kanya ng nakakatandang kapatid ni Ellie. Kaya bago pa magbago ang isip nito ay dali-dali na siyang sumunod sa katulong.
"Sir ito po ang kuwarto ni ate Ellie." Akmang kakatok na si Lilay ng biglang bumukas ang pinto.
"Lilay, may kailangan ka?" Hindi agad napansin ni Ellie si Dale Rafael na nakatayo sa tabi ng katulong.
"Sinamahan ko lang po si sir." Sabay lingon nito sa katabi at iniwanan na niya ang dalawa.
Kahit alam ni Ellie na darating si Dale Rafael ay nagulat pa rin siya na makita ito mismong tapat ng kuwarto niya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Malumanay na tanong ni Dale Rafael.
"Medyo okay na." Maikling tugon ni Ellie. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto at nagpatiuna ng pumasok.
Tahimik na sumunod si Dale Rafael sa asawa at inabutan niya itong tahimik na nakaupo sa may balkonahe. Hinila niya ang isang silya at tinabihan niya ito. "Nag-aalala ako kanina hindi mo sinasagot ang tawag ko."
"Nakatulog ako kaya hindi ko narinig ang telepono ko."
"Ellie, sa mansion ka na lang muna mag-stay para hindi ako nag-aalala at para maalagaan din kita." May pagsusumamo sa tinig ni Dale Rafael.
"Wala ka namang dapat ipag-aalala hindi naman ako pinababayaan ni ate dito. At isa pa ilang araw na lang papunta na ako sa Amerika."
"Pupunta tayo." Pagtutuwid niya sa huling sinabi nito. "Ellie, please isama mo naman ako sa mga plano mo. I love you kayo ng magiging anak natin." Sabay hawak siya sa kamay ng asawa at dinala sa may dibdib.
Ilang beses ng sinabi sa kanya ni Dale Rafael na mahal siya nito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. At ngayon ay damang-dama niya ang sinseridad nito kaya hindi niya napigilan ang mga luha.
Nataranta naman si Dale Rafael ng makitang umiiyak ang asawa, mabilis niya itong nilapitan at mahigpit na niyakap. "I'm sorry for everything, bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko kung gaano kita kamahal." Bulong niya kay Ellie habang marahang hinahagod ang likod nito.
Tanging tango na lamang ang naisagot ni Ellie, nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso niya ng mga sandaling yun dahil dumating rin ang ganitong pagkakataon na matagal na niyang ipinagdarasal.
Marahang iniangat ni Dale Rafael ang mukha ni Ellie at buong ingat niyang pinaglapat ang kanilang mga labi. Para sa kanya ay ito na ang pinakamasayang araw niya lalo na nang maramdaman ang pagtugon nito. Kung hindi lamang niya inaalala ang maselang kalagayan ng asawa ay baka kung saan na humantong ang halik na pinagsasaluhan nila, kaya ng maramdaman niya ang marahang pagtulak ni Ellie sa kanya ay siya na mismo ang tumigil ngunit muli niyang ikinulong sa mga bisig ang asawa.
"Sweetheart, company anniversary ngayon at mamayang gabi may celebration. I hope you can come..." Bulong ni Dale Rafael habang yakap ang asawa. Umaasa pa rin siya na makakasama ito mamayang gabi.
Kumalas sa pagkakayakap si Ellie bago nagsalita. "Mahigpit na bilin ng doctor ko na hindi na ako puwedeng mag-attend ng kahit na anong social gatherings."
"I understand...I'm just hoping na makakasama kita mamayang gabi gusto kong makilala nila ang asawa ko." Malambing na tugon ni Dale Rafael bago muling dinampian ng mabilis na halik sa labi si Ellie.
"Maybe next time, for sure marami pa namang darating na anniversary."
Sumang-ayon na lamang si Dale Rafael kay Ellie pero kung siya ang masusunod ay mas gugustuhin niyang makasama na lamang ang asawa kaysa ang dumalo sa anniversary ng kompanya nila.
____________
A.N.
It's been a long time..... dami kong utang sa inyo guys sisikapin kong makabawi.. hahahaha
I love you :D