Epilogue

79.9K 1.4K 103
                                    

                  

Epilogue

Maluwag ang pagkakangiti ni Trisha ng matanaw ang pamilya ng kaibigan na papalabas nan g NAIA. Nang malaman niyang pauwi na ang mga ito sa Pilipinas ay siya na ang nagprisinta na magsusundo sa mga ito.





"Ellie!!!" Tuwang tuwa niyang nilapitan ang kaibigan at niyakap ng mahigpit. "Wow! Ito na ba si Raven Ellinor? Ang pretty naman ng baby na ito." Lalong lumuwag ang pagkakangiti ni Trisha habang nakatitig sa maamong mukha ng natutulog na sanggol na nasa bisig ni Dale Rafael.





"Siyempre kanino pa naman ba magmamana ang baby namin." May pagmamalaki singit ni Dale Rafael.





"Kung hindi si Ellie ang napangasawa mo ewan ko lang kung magkakaroon ka ng ganyan kagandang anak." Nakalabing tugon ni Trisha bago dinampian ng marahang halik ang pisngi ni Raven.





Napahalakhak si Dale Rafael sa sinabi ni Trisha.





"Let's go, hayan na si manong Paeng." Nagpatiuna ng lumakad si Trisha.





Habang nasa biyahe ay panay ang kwento niya tungkol sa mga nangyari sa Pilipinas habang wala ang mag-anak. Anim na buwan din ang itinagal ng mga ito sa Australia kaya gusto niyang i-update ang kaibigan tungkol sa mga na missed nitong kaganapan.





"Kailan pala ang uwi ninyo sa Candelaria? Ang ganda ng resort ninyo dun ha?" Patuloy ni Trisha.





"Anong resort?" Nagtatakang binalingan ni Ellie si Dale Rafael na nasa tabi niya.





"Ito talagang kaibigan mo...It's a surprise sana..." Naiiling at natatawang sabi ni Dale Rafael.





"Oh my God! Me and my big mouth!  I'm sorry, hindi ko alam surprise yun." Natutop ni Trisha ang bibig.





"Ano nga yung resort na iyun?" Pangungulit ni Ellie sa asawa.








"Pinarenovate ko yung old house ninyo sa tabing dagat, gusto ko kasi doon natin gaganapin ang binyag ni Raven kasabay ng renewal ng vow natin." Sabay kabig ni Dale Rafael sa asawa at tinaniman ng banayad na halik sa ulo nito.





"Don't tell me that you're proposing to my friend inside the car..." Nanlalaki ang mga mata ni Trisha na binalingan si Dale Rafael.








"Ikaw talaga hindi kita maintindihan—noon na magulo pa ang relasyon naming ng asawa ko galit nag alit ka sa akin ngayon naman komokontra ka pa rin." Rekla niya sa kaibigan ng asawa.





"Ang corny ng daddy mo Raven." Kausap ni Trisha sa batang nasa kandungan niya.





"Kayong dalawa tigilan nga ninyo yan." Saway ni Ellie sa dalawa ngunit natigilan siya ng papasok na ang sasakyan nila sa  gate ng isang excutive village.  "Sino ang pupuntahan natin dito? Lumipat ba ng bahay ang mga parents mo?" Nagtatakang tanong niya kay Dale Rafael na nanahimik sa tabi niya.








"Mukhang sorpresa rin ito ng daddy mo Raven."  Bulong ni Trisha sa bata ngunit alam niya na hindi nakaligtas ito sa pandinig ni Ellie.








Lalong lumalim ang pagkakanot ng noo ni Ellie ng ipasok ng driver ang sasakyan sa isang napakagandang bahay. "Kanino bahay ito?" Pangungulit niya kay Dale Rafael habang inaalalayan siyang bumaba nito.








"Did you like it honey?" Malambing na tanong ni Dale Rafael.





"Ang ganda..." May paghangang tugon ni Ellie habang inililibot ang mata sa paligid ng mansion.





Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon