Chapter 2 part 1

60.1K 1.3K 14
                                    

@purplelady57



Chapter 2 part 1



Every minute she's checking her inbox, it's almost two weeks since she met Dale Rafael at ganun katagal na rin siyang naghihintay sa email nito. Attracted siya sa binata nahihiya man siyang aminin sa sarili pero sa dalawang linggong lumipas ngayon niya narealize ang nararamdaman niya para dito.



"Ellie!" Pupok ni Trisha sa table ng kaibigan.



"Ano ka ba? Bakit ka nanggugulat?" inirapan ito ni Elli. Alam niyang kukulitin na naman siya ng matalik na kaibigan, mula pagkabata ay ito na ang kasakasama niya pati sa kalokohan ay lagi silang magkasabwat.




"Duh! Ellie Rodriguez are you in love?" Dumukwang pa si Trisha para mailapit ang mukha sa mukha ng kaibigan.



"Why did you say that?"




"For your information, I was knocking at your door at halos mapudpod na ang kamay ko. Pagpasok ko ang maabutan ko ay ang nakatulala kong kaibigan. Oh God! I'm happy for you!" nakangiti ito habang nakapameywang.




"Wala ka na namang magawa sa inyo kaya ako na naman ang iniistorbo mo. Can't you see I'm working and trying to figure how to expand our business, ikaw kasi hindi mo na kailangang magtrabaho."



"I don't buy that." Umiiling na sabi ni Trisha. "Iba ang kislap ng iyong mga mata. Did you meet someone in Manila?" Patuloy na panngungulit nito.



"Trisha tigilan mo ako, malapit na akong mapikon sa pangungulit mo." Pagbabanta ni Ellie sa kaibigan.



Tinawanan lang ni Trisha ang kaibigan. "Umamin ka na kasi. May nakilala ka sa Manila di ba?" hindi talaga niya titigilan si Ellie hangga't hindi umaamin.



Napailing na lang si Ellie, edad lang ang tumanda kay Trisha dahil hanggang ngayon ay para pa rin itong teenager. "Yes, are you contented now? Baka pwede na po akong magtrabaho, kasi may pinapatapos na report si papa."



"Is he good looking? Anong name? Kailan siya pupunta dito?" dire-diretsong tanong ni Trisha daig pa ang imbestigador.




Naitirik na lang ni Ellie ang mga mata. Kung hindi niya lang bestfriend ito ay kanina pa niya nasigawan.

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon