Chapter 35 part 1
Samantala nagkakagulo naman ang mga Monteverde dahil sa kagagawan ni Arnulfo. Pigil ang galit ni Gabriel ng umakyat sa stage para kunin dito ang mikropono.
Wala na siyang pakialam kahit masira pa ang okasyon nila ang mas mahalaga ay hindi malalagay sa alanganin ang panganay na anak. "This is not the right occasion to talk about it." Simula ni Gabriel habang matalim niyang tinapunan ng tingin si Arnulfo. "Ladies and gentlemen let's just enjoy the night." Matapos niyang sabihin ito ay pumailanlang na ang masayang tugtugin, hindi na rin niya pinansin ang naging bulungan ng mga taong nasa paligid. Nasisiguro niya na darating din ang oras na makakalimutan ng mga ito ang insidenteng nangyari.
Nang marinig ni Dale Rafael ang sinabi ni Arnulfo ay agad niyang nahila si Martina sa kubling bahagi ng bulwagan. "Martina, ano ang ibig sabihin nito?!" Pasigaw na tanong niya rito.
"Wala akong kinalaman dito Dale Rafael." Mahinang tugon ni Martina. Natatakot siya sa nakikitang galit sa mga mata nito ngunit hindi naman niya kayang ipahamak ang kinikilalang ama.
"That's impossible! Do you want me to believe you?! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ang mahalaga sa akin ngayon ay ang asawa ko at magiging anak ko."
"Kung mahalaga si Ellie sa'yo bakit hindi mo patunayan na asawa mo siya. Hindi ako naniniwala na totoo ang kasal ninyo." Matapang na tugon ni Martina dahil mayroon siyang gustong patunayan ng mga sandaling yun.
Magsasalita pa sana si Dale Rafael ng biglang may sumingit sa usapan nila ni Martina.
"Ano ang ibig sabihin nito?" Maawtoridad na bungad ni Don Emmanuel habang nakatingin sa isang braso ni Martina na hawak pa rin ni Dale Rafael.
"Lolo please..." Pakiusap ni Martina sa matanda.
"Iwanan mo kami Martina may pag-uusapan kami ng magaling na lalaking ito." pagalit na utos nito sa dalaga.
Wala namang nagawa si Martina kundi iwanan ang dalawa pero lubos siyang nag-aalala para sa abuelo na baka magkainitan sila ni Dale Rafael ay biglang tumaas ang blood pressure nito. Kahit naman hindi siya tanggap na apo nito ay nagmamalasakit pa rin siya sa matanda.
Nang sila na lamang dalawa ni dalawa ni Dale Rafael ay lihim na napangiti ang matanda dahil alam niya ng mga sandaling yun ay nakahanda na rin ang mga tauhan na inutusan niya. Ipapalasap niya sa pamilyang Monteverde ang pagkatalo.