A.N.
Please don't forget to vote and leave your comments :)
Salamat ^ ^
___________________
Chapter 16 part 2
Sinadya talaga ni Dale Rafael na hindi umuwi ng ilang araw dahil hindi na niya gusto ang nararamdaman tuwing makakaharap ang asawa. Gustong gusto na niyang tawagan si manang Ansing para kumustahin si Ellie pero may isang bahagi ng kanyakanyang utak ang pilit na tumututol.
"Sir, nasa labas po si sir Xander." Anunsiyo ng kanyang sekretarya.
Tinanguan niya ito na ang ibig sabihin ay maaari na niyang papasukin ang bisita. Ayaw na muna niya sanang makausap si Xander dahil sa insidenteng nangyari sa restaurant. Tuwing naaalala niya yun ay nag-iinit ang ulo niya.
"Dude, did you hear the news?" Bungad ni Xander, pagkapasok na pagkapasok ay agad na sumalapak sa couch na naroroon. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.
"What do you mean?" Walang kagana ganang tanong ni Dale Rafael bago muling itinuon ang atensiyon sa mga papeles na pinipirmahan. Nang wala siyang mahintay na tugon ay nilingon niya ang kaibigan na mariin na nakapikit ang mga mata.
"Hey, what's happening to you? You look like a shit." Paninita ni Dale Rafael sa kaibigan. Pagpasok pa lang nito ay nahalata na niyang may mabigat itong problema.
"Don't mind me. I just need some rest." Tugon ni Xander na hindi na nag-abalang imulat ang mga mata. Kaya hindi na niya nakita ang mapang-uyam na titig ng kaibigan.
"My office is not a hotel." Sabay bato niya dito ng nilamukos na papel.
Napatayo si Xander ng maramdam na tinamaan siya ng binato ng kaibigan. "Hey! Pasalamat ka nga nagpunta pa ako dito, alam ko naman na hindi mo sasagutin ang tawag ko. Selos lang yan dude." Pang-aasar ni Xander.
Pakiramdam nila ay parang bumalik sila ng kabataan nila. Madalas din silang mag-asaran noon kahit nagkakapikunan sila ay sa bandang huli sila pa rin ang magkakampi.