@flirell
A.N.
Please don't forget to vote and leave your comments. :D
Thank you.
_________________________
Chapter 6 part 1
Panay ang buntong hininga ni Luisa ng makauwi, pinag-iisipan niyang mabuti kung paano kokomprontahin ang kapatid. Gusto niyang sa mismong bibig nito marinig kung totoo ang mga pinagsasabi ng Dale Rafael Monteverde nayun.
"Papa, can I talk to Ellie?" Kanina niya pa rin sinusubukang tawagan ang telepono ng kapatid pero voice mail lang ang sumasagot sa kanya. Wala na siyang pagpipilian kundi tawagan ang kanilang ama.
"Anak, I'm still here in the office. Tawagan mo siya sa cellphone niya."
"I was trying to call her a million times.... But she's not answering her phone."Medyo desperada na si Luisa na makausap ang kapatid.
"What's going on? May problema ba?" Mahahalata ang pag-aalala ni Edgardo.
"W-Walang problema papa... May itatanong lang ako kay Ellie."Mabilis na bawi ni Luisa, hangga't maaari ay ayaw muna niyang malaman ito ng ama.
Nakahinga ng maluwag ang matandang lalaki ng kumpirmahin ng panganay na anak na wala siyang dapat ipag-alala. "You can try to call Trisha, sila ang magkasama kanina ng umalis dito sa opisina."
"Okay papa.. Ingat kayo lagi diyan at pakibantayan si Ellie baka kung kani-kanino nakikipagdate yan."
"Hayaan mo na ang kapatid mo, siguro perfect time na rin ito para sa kanya na magkaroon ng sariling pamilya."
"I'll just call you again papa. I love you." Mabilis ng pinutol ni Luisa ang pakikipag-usap sa ama.
Pagkatapos makipag-usap sa ama ay agad naming hinagilap ni Luisa ang mobile number ni Trisha. Nasisiguro niyang may-alam ito sa mga nangyayari sa kapatid, mula noon ay ang dalawa na ang laging magkasama.