A.N.
Happy reading. ^ ^
Please don't forget to vote and leave your comments. :)
________________________
Chapter 10 part 2
Sa sobrang galit ni Ellie kay Dale Rafael ay lumakas ang loob niya na ituloy ang plano. Hindi niya hahayaan na patuloy siyang maliitin nito kaya ngayon heto siya sa tapat ng mansion ng mga Monteverde. Magbabakasali siya na makausap ang mga magulang ng binata dahil napag-alaman niya na kahit barumbado ay tumituklop pa rin ito pagdating sa mga magulang.
Lakas loob siyang bumaba ng sasakyan para magdoor bell. Inihanda niya ang matamis na ngiti ng may magbukas ng gate.
"Magandang umaga po." Magalang na bati ni Ellie sa nabungaran na matandang babae. Tantiya niya ay isa ito sa mga katiwala ng pamilya. "Nandiyan po ba si Mrs. Monteverde? Gusto ko po sana siyang makausap."
"Naku, pasensiya na po ma'am wala pong ibinilin sa amin si ma'am Althea na may darating siyang bisita."
Napabuntong hininga si Ellie, hindi nga sila nahirapan na makapasok sa entrance gate ng village dahil may car sticker ng village ang sasakyan ng kapatid pero sa mismong mansion ng mga Monteverde ay dadaan siya sa butas ng karayom.
"Pasensiya na po hindi ko nasabi kay tita Althea na darating ako ngayon pakisabi na lang po ang name ko sa kanya. I'm Ellie Rodriguez." Pakiusap niya dahil hindi na niya palalampasin ang pagkakataong ito habang may lakas ng loob pa siya.
Matagal siyang tinitigan ng matandang babaeng kausap. "Sandali po, sasabihan ko si ma'am Althea. Pasensiya po kung hindi ko muna kaya mapapapasok." Hinging paumanhin nito kay Ellie.
Tinanguan lamang ni Ellie ito. Naiintindihan niya ang matanda dahil ginagawa lamang nito ang trabaho. Hindi naman siya naghintay ng matagal ng bumukas muli ang gate. Bumilis ang tibok ng puso niya ng mabungaran ang isang eleganteng babae na nakangiti sa kanya.
"Ellie Rodriguez?" Malumanay na tanong ni Althea.
"Yes ma'am" Biglang nakaramdam ng hiya si Ellie ng makaharap ng personal ang mama ni Dale Rafael.
"I told you na tawagin mo akong tita, masakit sa pandinig ang ma'am para akong school teacher nito. Come in hija, mukhang importante ang pag-uusapan natin." Hinawakan pa ni Althea sa kamay si Ellie habang naglalakad sila sa papasok ng mansion.
"Tamang tama ang dating mo masasabayan mo kaming mag almusal ng asawa ko para makapagkwentuhan tayo." Nararamdaman ni Althea ang pangingimi ni Ellie kaya pilit niyang hinuhuli ang loob nito.
"Nakakahiya naman po tita...actually before I came here nagbreakfast na po ako. Hihintayin ko na lang po kayong matapos kumain." Magalang na tanggi ni Ellie.
"Basta sasabay ka sa amin para makilala mo rin ang tito Garbriel mo."
Wala ng nagawa si Ellie ng hilahin siya ni Althea patungong komedor. At ng makaharap niya ang padre de pamilya ay lalong nabalot ng kaba ang kanyang dibdib.
"Ellie, nabanggit ka na sa akin ng asawa ko two months ago..." Simula ni Gabriel. Pagkakita pa lamang niya sa dalaga ay agad ay may hinala na siya na isa ito sa mga naging babae ng anak ngunit ito pa lamang ang kauna unahang naglakas loob para makipag-usap sa kanila.
"Nakapag-usap na ba kayo ni Dale Rafael?" Seryosong tanong ni Althea.
"Opo, kaya nga po nandito ako." Halos magkandautal si Ellie sa kaba. "I'm two months pregnant but he wants to get rid our child." Hindi namalayan ni Ellie na tumulo na ang mga luha. Awang awa siya sa kanyang anak hindi pa man ito lumalabas ng mundo ay inaayawan na ng ama.
Halos hindi nakakilos si Gabriel sa kinauupuan.
"Oh God!" Ang tanging nasabi na lamang ni Althea at mabilis na dinaluhan si Ellie na tahimik na lumukuha. Nabalot ng awa ang puso ni Althea para sa dalaga dahil alam niya ang ganitong pakiramdam.
"You did a good decision Ellie. Mabuti kinausap mo kami. I wont tolerate this, he should know how to face the consequences." Mababakas na ang galit sa tinig ni Gabriel.
"I'm not asking him to marry me. I just wanted him to acknowledge my child."
"Don't worry hija, kakausapin namin si Dale Rafael tungkol dito. Mas makakabuti siguro sa ngayon na dumito ka muna sa mansion." Suggestion ni Althea, gusto niya ring masiguro na magiging ligtas ang dalaga at ang magiging apo niya.
"I can't stay here. Siguradong magagalit ang ate ko kapag nalaman niyang nakipagkita ako sa inyo."
"We can talk to your sister and I'm sure she'll understand." Pamimilit ni Althea.
Mariing napailing si Ellie. "Hindi po ako pwedeng magtagal dito sa Manila, kailangan ako ng papa ko lalo na ngayong may sakit siya."
"I understand but I'll call you from time to time, hindi mo kilala ang panganay kong anak. Nag-aalala ako para sayo kapag nalaman niyang nakipag-usap ka sa amin."
"Hindi po ako natatakot sa mga maaaring gawin ng anak ninyo kaya pong protektahan ang sarili ko."
Samantalang si Gabriel ay tahimik lamang na nakikinig sa dalawa. Kailangan niyang bigyan ng ultimatum ang anak at hindi niya rin hahayaang magiging bastardo ang apo.
Magalang ng nagpaalam si Ellie sa mag-asawa at habang nasa sasakyan ay napapangiti siya. Simula na ng paghihiganti niya sa mayabang na lalaking yun. Nagkamali si Dale Rafael kung inaakala nito na masisilaw siya sa pera.