Chapter 37 part 2

38.5K 955 53
                                    

Chapter 37 part 2

Matagal na katahimikan ang namagitan kina Dale Rafael at Luisa. Hindi alam ng huli kung paano niya sasabihin ang katotohanan dito nang hindi magagalit ang ama. 







"Dale Rafael, ngayong nalaman mong nawala ang anak ninyo ni Ellie.... Ano na ang plano mo?" May isang bagay na nais siguraduhin si Luisa. 







Tumuwid sa pagkakaupo si Dale Rafael at tiningnan ng diretso si Luisa bago nagsalita. "Hindi ko iiwan si Ellie mahal ko siya." 







"Siguro naman nakausap ka na ng doctor niya at alam mo nang kahit kailan ay hindi ka na niya mabibigyan ng anak." 







Marahang tumango si Dale Rafael. "Mahal ko si Ellie at hindi mahalaga sa akin kung hindi na kami magkakaanak ang pinakaimportante ay ang magkasama kami hanggang sa pagtanda namin." Buong pusong pahayag niya. 







"Dale Rafael, parang hindi ako makapaniwala na ikaw ang nagsasalita ngayon sa harapan ko. Telling me that you really love my sister." Malumanay na saad ni Luisa. Natutuwa siya sa narinig buhat dito ngunit pilit niyang itinatago ang emosyon. 





"Ate Luisa, don't ask me when it was started dahil ako rin hindi ko alam but the only thing I know that my love for Ellie begins here." Sabay turo nito sa kanyang dibdib. "Nagising ako isang araw na mahal ko na siya at handa kong isakripisyo ang lahat para sa kanya." Seryosong pahayag ni Dale Rafael. 





"Paano kung hindi ka na mahal ni Ellie?" Nag-aalangang muling tanong ni Luisa. 







"Gagawin ko ang lahat ate para..." Biglang naputol ang sasabihin ni Dale Rafael ng nagmamadaling pumasok si Ric. 







"She's awake and looking for you." Tukoy nito kay Dale Rafael.  







Tatayo na sana si Dale Rafael para puntahan si Ellie ngunit pinigilan siyani Ric. "Mamaya muna siya puntahan." 







"Ric naman sabi mo hinahanap siya ni Ellie." Reklamo ni Luisa sa asawa. 





"Nandun ang papa." Tinapunan ng makahulugang tingin ni Ric si Luisa.





Tanging iling na lamang ang nagawa ni Luisa. Nakaramdam siya ng awa para kay Dale Rafael dahil nasisiguro niyang pahihirapan ito ng kanyang ama. 





Samantalang si Edgardo ay panay ang haplos sa ulo ni Ellie. Kanina sinabi ng doctor na within twenty four hours ay dapat magising si Ellie kung hindi ay liliit ang tsansa nitong makasurvive. Kaya ngayon ay masayang masaya habang tinititigan ang bunso. "Ellie, magpagaling ka anak." Bulong niya  sabay halik sa kanang pisngi nito.







Marahang tumango si Ellie. Natutuwa siya dahil damang dama niya ang pagmamahal ng kanyang papa ngunit may isang tao siyang gustong makita ng mga sandaling yun. "P-Papa si D-Dale Rafael?" 







Napapailing si Edgardo sa kabila ng lahat na ginawa ng damuhong lalaking yun ay mahal pa rin ito ng anak. Masakit man sa kanya ay kailangan niya itong turuan ng leksiyon. "Magpahinga ka muna, tatawagin ko siya." Bago siya lumabas ay inayos muna niya ang kumot nito. 







Pagkalabas na pagkalabas ni Edgardo sa ICU ay naabutan niyang nakatayo sa gilid ng pinto si Dale Rafael. Nilapitan niya ito. "Gusto kitang makausap." Seryosong sabi niya sa manugang. 





"Kumusta po si Ellie?" Mabilis na tanong ni Dale Rafael ng maramdaman ang presensiya ng biyenan. 





"Iyan ang isa sa mga pag-uusapan natin pero ang sabi ng doctor niya ay under observation pa siya." Inaya niya sa cafeteria ng hospital si Dale Rafael. 





Pagkatapos makapag-order ng kape ay muling binalingan ni Edgardo si Dale Rafael. "Masyado pang emotional ang anak ko ngayon dahil sa mga nangyari." Simula niya. 





"Naiintindihan ko po at handa akong unawain siya." Magalang na tugon ni Dale Rafael. 





Matamang tinitigan ni Edgardo ang kaharap bago muling uminon ng kape. "Kung talagang concern ka kay Ellie may isang bagay akong hihilingin sa'yo." 





Parang biglang kinabahan si Dale Rafael sa sinabi ni Edgardo. "Kung hihilingin po ninyong layuan ko si Ellie hindi ko po magagawa iyun." Nakipagsukatan siya ng tingin sa matandang lalaki. Ngayon pa ba siya susuko pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan nilang problema. 





"Alam kong mahal ka ng akong anak at kapag inutusan kitang layuan siya ay parang pinutol ko na rin ang kaligayahan ni Ellie." Ang tanging gusto lamang ni Edgardo ay turuan ng leksiyon si Dale Rafael para sa susunod ay maging maingat na ito sa mga gagawing desisyon. 







Nakahinga ng maluwag si Dale Rafael ng marinig ang sinabi ni Edgardo at nakaramdam din siya ng kasiyahan ng mapag-alaman na mahal pa rin siya ng asawa. Ngunit naging palaisipan sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng matanda. 





"Dale Rafael makinig kang mabuti." Muling sabi ni Edgardo nang mapansin ang pananahimik nito. "Ayokong babanggitin mo kay Ellie ang tungkol sa anak ninyo kung maaari lang ay huwag mo itong ipaalala sa kanya. Siguro naman naiintindihan mo ang ibig kong sabihin." Patuloy ni Edgardo. 





"I understand, kahit ako po ay nahihirapan tuwing naiisip ko ang nangyari sa anak namin." 





"May isa pa akong gustong mangyari." Pinag-isipan talaga ni Edgardo kung paano niya maitatago kay Dale Rafael ang apo. 





Tahimik na hinintay ni Dale Rafael ang susunod na hiling ng biyenan. 





"Kaming bahala ng ate Luisa mo ang makikipag-usap sa mga doctor ni Ellie ang gusto ko ay magfocus ka sa pag-aalaga sa kanya para agad siyang makarecover. Okay lang ba sa'yo?" Umaasa si Edgardo na hindi makahalata ng kaharap na may pinaplano siya. 





Tumango si Dale Rafael tanda ng pagsang-ayon. 

________________

A.N.

Another UD for today guys :D 

Don't forget to vote and leave your comments ^ ^

Thanks







Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon