Chapter 34 part 2

34.3K 883 45
                                    

Chapter 34 part 2

"Ellie! Ellie!" Sunud-sunod ang pagkatok ni Luisa sa silid ng kapatid. Kailangan niyang mailayo agad ito sa malalong madaling panahon bago nito mabalitaan ang naganap kanina sa company anniversary ng mga Monteverde. Ilang beses nang nasaktan ang kapatid at sa pagkakataong ito ay baka hindi na kayanin ni Ellie idagdag pa ang maselang kalagayan nito.



"Ate, grabe ka namang makakatok parang mawawasak ang pinto." Pupungas pungas na bungad ni Ellie,  halatang naistorbo ito sa kanyang pagtulog.



Hindi pinansin ni Luisa ang sinabi ng kapatid. Dire-diretso itong pumasok sa kuwarto. "Where's your passport?"  Nagmamadali niyang tanong.



"Nandiyan sa drawer." Parang wala sa sariling tugon ni Ellie sabay upo nito sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Luisa na binubuklat ang kanyang passport.



"Mabuti pala hindi pa expired ang visa mo sa Australia."



"Huh?! Visa sa Australia?" Naguguluhang tanong ni Ellie, hindi niya maintindihan ang ikinikilos ng kapatid.



"Tayo, napagdesisyunan namin ng kuya Ric mo na mas makakabuti kung sa Australia ka namin dalhin."



"Wait ate, I don't understand...I know something came up kaya nagbagong bigla ang mga plano natin." Tuluyan ng nawala ang antok ni Ellie.



"Basta Ellie makinig ka lang sa akin, hindi ko kayo ipapahamak ng anak mo."



"Alam ko naman yun ate pero may karapatan din naman akong malaman kung bakit biglang nagbago ang mga plano natin."



"I'm gonna explain it to you when we get there. Sa ngayon gusto kong sundin mo muna ang sinasabi ko."



"Alam na ba ni Dale Rafael?"



Biglang umilap ang tingin ni Luisa. "H-Hindi pa, pero ako na ang bahalang magsasabi sa kanya."



Nararamdaman ni Ellie na may mali sa mga nangyayari ngayon, naninibago siya sa kanyang ate dahil ito ang klase ng tao na pinag-iisipan ang bawat desisyon. Kaya naman talagang may pagdududa siya na may nangyayari na hindi niya alam.



"Ate, paano ang hospital naka..."

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon