Chapter 14 part 1

39.2K 1K 25
                                    

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments :)

___________________



Chapter 14 part 1

Halos isang linggo na rin si Ellie sa bahay ni Dale Rafael, ngunit hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Para pa rin silang aso't pusa tuwing nagkikita.




"Mag breakfast ka muna." Alok ni Ellie ng mamataan niyang pababa ang kanyang asawa. Kahit naman binabalewala siya ay todo pa rin ang effort niya na pagsilbihan ito. Kasama sa mga plano niya ang pagsilbihan si Dale Rafael.




"I have breakfast meeting, ikaw na lang ang kumain ng niluto mo." Dinaanan lamang nito si Ellie na nakatayo sa dulo ng hagdan.




Huminga ng malalim si Ellie, kung kailan niya sinusubukang pagpasensiyahan ito ay saka naman  siya sinasagad. Nanahimik na lamang si Ellie na bumalik sa kuwarto, paggising pa lang kanina ay masama na ang pakiramdam niya kaya mas minabuti niyang bumalik na lang sa pagtulog kaysa makipagtalo sa walang kwenta niyang asawa.





Nagtaka si Dale Rafael sa ikinikilos ni Ellie. Dati rati tuwing tatapunan niya ito ng masasakit na salita ay walang palalampasin ito ngunit kanina ay tinalikuran lamang siya.





Lalabas na lamang siya ng maisipang silipin kung ano ang niluto ng asawa. Sa totoo lang ay nasasarapan siya sa luto ni Ellie. Marami siyang naging girlfriend pero wala kahit isa sa mga ito ang pinagsilbihan siya. Bigla siyang natakam ng makita ang nakahain.





"Akala ko ba hindi ka kakain?" Nakasimangot na bungad ni Ellie. Biglang kumalam ang sikmura niya kaya bumaba siyang muli para sana kumuha ng crackers.





"Tumawag yung taong kausap ko pinareschedule ang meeting namin."





Nagkibit balikat na lamang si Ellie.




"Did you eat?" Tanong ni Dale Rafael sa asawa ng makitang may hawak itong crackers.




"Wala akong ganang kumain. Pagkatapos mong magbreakfast iwanan mo lang diyan ang pinagkainan mo, ako na ang bahalang magliligpit mamaya." Sabay talikod ni Ellie. Nagtataka rin siya dahil sa loob ng isang linggong pagsasama nila bilang mag-asawa ay ngayon lamang tinanong nito kung kumain na siya. 

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon