Chapter 15 part 1

41.9K 1K 24
                                    

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

________________



Chapter 15 part 1

Napansin ni Ellie na panay ang tingin ni Trisha sa relo. "May ibang appointment ka pa ba?"





"I'm waiting for Annie, naka off na ang phone ko." Nag-aalalang sumulyap si Trisha sa entrance ng restaurant. "Is it okay kung iwan muna kita dito? I'll just check her outside."






"Oo naman, don't worry about me." Pagtataboy pa ni Ellie.





Hindi pa nagtatagal ng umalis si Trisha ay natanaw na ni Ellie si Xander na papunta sa may mesa nila ng kaibigan.





"Kanina ka pa? Where's Trisha?" Nakangiting bungad ni Xander, sabay hila sa silya sa tapat ni Ellie.





"Sinundo lang si Annie, baka daw hindi niya nareceive ang huling message ni Trisha. Ang unang usapan pala nila magkikita sila sa Starbucks."





Natawa ang binata. "Ang kaibigan mo kasi ang bilis magbago ng isip." Habang nagsasalita ay panay naman ang lagay nito ng pagkain sa plato ni Ellie.





"Hey, that's enough." Pigil ni Ellie kay Xander.





"You need to eat a lot for your baby. Bawal muna ang diet." Pang-aasar ni Xander.





Nginitian lang ni Ellie ang binata.





Kung pagmamasdan ang dalawa ay parang magkasintahan silang masayang nag-uusap at ang tagpong yun ang naabutan ni Dale Rafael.





Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon