A.N.
Happy reading guys!! ^ ^
Please don't forget to vote and leave your comments :)
______________________________
Chapter 11 part 2
Kahit labag sa kalooban ay walang nagawa si Dale Rafael sa desisyon ng kanyang ama. Kaya heto siya ngayon papunta sa Candelaria para kausapin si Ellie. "Damn that woman! Puro sakit ng ulo ang ibinigay sa akin." Himutok niya habang nagmamaneho.
Hindi niya makakalimutan ang talim ng titig ng ina ng sabihin niyang kahit alisan siya ng mana ay hindi niya pakakasalan si Ellie. Ngunit ang ikinabahala niya ay ng sabihan ng kanyang mama ang mga katulong nila na ilabas sa mansion ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa kanya. Kaya walang kaabog abog na binawi niya ang desisyon at nangako sa mga magulang na sa lalo't madaling panahon ay aayusin niya ang problema kay Ellie.
Samantalang sa tahanan ng mga Rodriguez ay abala si Ellie sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng ama. Kahit na may kinuha silang private nurse para dito ang gusto niya ay personal pa rin niyang inaasikaso ito.
"Ellie, hindi ka ba nahihirapan sa pagbubuntis mo?" Nag-aalalang tanong ni Edgardo. Mula ng maospital siya ay ito na ang nag-asikaso ng negosyo nila.
"Papa, don't worry about me." Nakangiting tugon ni Ellie habang inaayos nito ang mga gamot ng ama.
"I'm always worried anak. Kasi alam ko na mag-isa ka lang na nag-aasikaso ng negosyo natin tapos ganyan pa ang kalagayan mo."
"Masaya naman ako sa ginagawa ko. Huwag mong kakalimutan na ikaw ang nagturo sa akin na maging matatag."
"Alam mo anak mas mapapanatag ang loob ko kung magkakaayos kayo ni Dale Rafael alang alang man lang sa magiging apo ko kahit hindi ka na niya pakasalan basta handa lang siyang maging ama ng anak ninyo." Mababakas ang kalungkutan sa boses ni Edgardo.
"One of these days papa magiging maayos din ang lahat. It's my promise to you." Niyakap ni Ellie ang ama at ginawaran ng halik sa kanang pisngi nito. Ayaw niya sanang bigyan ng pag-asa ang ama tungkol sa kanila ni Dale Rafael pero ayaw din naman niyang nakikitang malungkot ito.
Nang makalabas sa silid ng ama ay nagtuloy sa likod bahay si Ellie kung saan natatanaw niya ang payapang karagatan. Dinalaw na naman siya ng kalungkutan dahil sa pagkakaalala sa huling pag-uusap nila ni Dale Rafael. Talagang ipinamukha ng binata sa kanya na hindi nito kayang tanggapin ang magiging anak nila.