PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 12
“Always tell someone how you feel,
because opportunities are lost in the blink of an eye but regret can last for a lifetime.”
-Unknown
George
Napagod siguro siya. Kahit ako pagod na, e. Madaling araw na ba naman pero gising pa kami. Salamat talaga sa kanya. Kung wala siya, na-stressed na siguro ako nang husto.
Sayang pala ‘yong date namin. Next time ko na lang ulit siya iti-treat since hindi naman ako nakapag-celebrate ng birthday ko.
Iba ang birthday na inilagay ko sa mga documents na ipinasa ko sa C&K. February 16 ang nakalagay doon pero ang totoo, December 2 ang birthday ko. Tapos na. December 21 ngayon. Sa sobrang dami kong inaasikaso, nalimutan ko na ang birthday ko. Hindi na rin ako nakatulong sa orphanage ngayong taon. Pakiramdam ko tuloy may kulang. Babawi na lang ako kapag okay na ang lahat.
Bahagi na kasi ng buhay ko ang pagtulong sa mga bata tuwing birthday ko. Hindi na ako naghahanda. Nangyari ang lahat ng ito nang magkatrabaho ako. Ang suweldo ko ay hinahati ko para kina Mama at para sa mga bata na tinutulungan ko.
Pero sa ngayon, kailangang kay Mama ko muna ilaan lahat. Kinausap ko kasi si Mr. Eun. After ng pag-uusap naming ‘yon, pumunta na si Mama na nasa Quezon dito sa Dasma kasama namin ni Papa. Hindi na namin afford ang pambayad niya sa personal nurse niya pati sa mga medicines. Mr. Eun will never help us. Again.
Nakokonsensiya na talaga ako. Dahil do’n, kailangan kong isakripisyo ang kalusugan ni Mama. Sana’y makayanan namin. May kalakihan na rin naman ang suweldo ko pero mas mapapabilis ang paggaling ni Mama kung may mas sapat na pera kami.
“George…”
Napatingin ako sa tumatawag sa’kin. Si G pala. Teka, tulog ‘to, ha. I leaned closer to her.
“George…”
Napangiti naman ako. Tinatawag niya ko habang natutulog siya. Napapanaginipan niya kaya ako?
“George, you’re important to me. I’m always here for you.”
My heart started to beat strangely again. Natulala na lang ako sa kanya.
* * *
Georgina
Nakatulog pala ako. Ano’ng oras na ba? Agad kong tiningnan ang oras sa relos ko. It was 6 in the morning. Nasaan kaya si George?
Tiningnan ko ang Mama niya. Mahimbing pa ring natutulog. Sana naman maging okay na siya para rin hindi na mag-alala pa si George. Nakayuko naman sa tabi ng Mama niya ang Papa niya.
My phone beeped. Someone’s texted me. It’s George.
Bumili lang ako ng meds G. I’ll be back. :)
Kailangan talaga may smile pa? Ang aga-aga, kinikilig ako.
After a couple of minutes, dumating na rin si George.
“G.” He’s smiling at me. Medyo nawawala na ang mga mata niya dahil sa wagas niyang pag ngiti. Ano’ng mayro’n?
“Yes?” Patwitums kahit halata namang kilig na kilig na.
“Nagsasalita ka pala ‘pag tulog,” seryoso niyang sabi pero ngumiti rin siya.
“A, oo. Nagsasalita nga ako kapag tulog,” dere-deretso kong sabi. Medyo nag-loading ako, saka ko naunawaan ang sinabi niya. “Ha? Ano ulit ‘yon? Sino’ng nagsasalita nang tulog? Ako? Seryoso ka?”
Nakakahiya!
Tumawa si George. Sige, tawa pa. “ Ang cute mo nga, e.”
“Ano’ng sinabi ko, George?” Nakakahiya naman ako. Kay George pa. Siya pa talaga ang nakarinig! Bakit hindi sa’kin sinasabi ni mama na nagsasalita ako nang tulog?
“Secret.” Parang bata! Dumila pa talaga! Heart, kalma. ‘Wag pa-obvious na kinikilig. Baka maihi ako.
“George! Ano nga’ng sinabi ko?” Ilang beses ko pa siyang pinilit. Medyo parang naging mas close nga kami dahil do’n. Para kaming mga bata. I suddenly enjoyed it.
“Gusto mo ba talagang malaman?”
Tumango ako. Oo naman, siyempre! Gusto kong malaman ang kahihiyang ginawa ko na na-witness niya!
“Sabi mo kasi…” Nakangiti siya. Dahan-dahan pa ang pagsasalita. Naghihintay lang ako. “Mahalaga ako sa’yo at nandiyan ka lang para sa’kin.”
He suddenly went out of the room. “Punta lang ako sa information! Babalik din ako agad,” pahabol niya.
Naiwan ako. Pakurap-kurap lang ang mga mata. Medyo pina-process pa ng utak ko ang sinasabi niya.
Sinabi kong mahalaga siya sa akin? Seryoso? E di, kahit pala nakatulog ako, nagawa ko pa rin ‘yung step number 7?
I smiled.Bigla kong naalala ang step number 8: Show him that you’ll be a good fit for him. Reveal tidbits about yourself. Make him realize you’re matched. Nakapag-share kami ng life story sa isa’t-isa while we’re talking about our mothers. Meaning, pati ‘yong 8, nagawa ko na?
Umaariba ako sa paggawa ng steps, ha! Akala ko hindi ko mapagpapatuloy ngayong Christmas break pero opposite ang nangyari.
Teka, counted na ba ‘yon?
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...