Chapter 3

163K 2K 193
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 3

 

“Never give up on something you really want.

It’s difficult to wait, but worse to regret.”

Georgina

 

Hindi ako nakatulog kagabi. Okupado ang isip ko ng e-mail slash spam message na natanggap ko last night. Hindi ko talaga ito expected. I almost gave up pero dumating ang sign. Ibig sabihin kaya, may pag-asa pa? May posibilidad pa na magkaroon ako ng love story? Na magka-boyfriend ako? Could it be?

Natatakot ako. Hindi ko alam kung tama ba na gawin ko ito. Ako ang gagawa ng first move. Hindi kaya pumangit naman ang tingin sa’kin ng ibang tao? Magiging masaya nga ba ako kung gagawin ko ‘to? Paano kung masaktan lang ako? Umasa? Should I take the risk?

I sighed. I didn’t know what to do.

Nasa jeep ako at papunta na sa office. Tumingin ako sa paligid.

“Lord, please give me another sign,” I whispered.

In the blink of an eye, may isang kotse na tumigil sa tabi ng jeep na sinasakyan ko. Nang umandar na ito, napansin kong sa likuran nito ay may nakadikit na sticker. It said, “It’s now or never”.

I smiled.

Pagdating ko sa office, pakiramdam ko’y punung-puno ako ng positive aura. I could feel it. I could really feel it. Naniniwala akong matutupad ang mga pangarap ko. Hindi man ngayon, pero sisimulan ko na. Mangyayari ‘yon. Push lang nang push! Para ‘to sa pangarap, Georgina!

 “Good morning, Blesie!” I greeted my best friend pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina. Binati ko rin‘yong iba ko namang katrabaho.

Si Blesie, nakatingin lang sa’kin. Ni hindi man lang nag-“good morning din”. Sabi ko na, e. Ganito ang magiging reaksiyon niya.

“Wagas makatingin? I asked.

 “Good vibes ka? May boyfriend ka na? O natanggap mo na ‘yong totoo?”

See. Sabagay, ngayon lang din naman ako pumasok nang ganito kasaya. May kakaiba talaga akong nararamdaman, e. Sana, maging maayos ‘to. At least, kahit papaano, nagkaroon ako ng pag-asa.

Tinawanan ko na lang ito. “Ikaw talaga. Hindi ba puwedeng biglang maging masaya lang?”

“Nah, I smell something fishy! Spill it out! Come on.”

She really knows me. Ang babaeng ito na pinagkaitan ng tangkad at laman dahil sa kapayatan at height na hindi tugma sa edad niya. Blesie is really my best friend.

Kaso office hours pa at ang aga-aga para magtsismisan.

“Maybe, later. Sa break.” Kininditan ko siya at pumunta na sa table ko.

Smiling still, ginawa ko ang mga dapat kong gawin: nag-encode ng amounts ng nominal accounts na dapat assistant ko ang gagawa. Yes, may assistant ako. Ako kasi ang “leader” ng Finance team next to the Head.

Kinuha ko kay Kaidy, ang mahinhin at masayahin kong assistant,  ang lahat. Sabi ko, I could handle it. Ako na rin ang gumawa ng financial plan. In short, lahat ng pinagawa ko sa kanya, binawi ko at ako ang tumapos. My works were done and I am eager to work more. Loads of work ang gusto ko.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon