PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 4
“Every relationship starts with friendship.”
Georgina
When the clock struck 1, nagdatingan na ang mga co-employees namin. Tapos na ang lunch break. Back to work na. Bumalik na si Blesie sa kanyang table. Sabi niya, mamaya na lang daw namin ipagpatuloy.
‘Yong saya ko mula no’ng natanggap ko ang 10 steps at nakita ‘yong sign sa kotse ay dumoble dahil nagawa ko na ang first step.
Yes, siya na ang target ko—si George. Parang ang pangit ng term na “target”. Pero basta! Si George ang gagamitan ko ng 10 steps on how to get a boyfriend. Susubukan ko lang. Wala namang masama, ‘di ba?
Blesie texted me. May division din kasi ang Finance at Engineering Team kahit na nasa isang office lang kami. Napatingin ako sa kanya. She’s smiling.
“G, kung wala ka nang work na gagawin, move on to the next step! You can do it!”
Agad kong tinapos ang financial statement ng isang service business na in-assign sa’kin ni Ms. Nadine kanina. Though, minadali ko, hindi naman siguro misleading ‘yon. Ipapa-check ko na lang kay Kaidy para sigurado.
Ang mahalaga ngayon, wala na akong gagawin. I checked the spam message. So, what’s the next step?
Number 2: Get quick lessons about his life. His favorites, interests, and the like.
I had no choice but to open Facebook again and scan his profile. Doon lang naman ako posibleng makakita ng mga impormasyon tungkol sa kanya. I hate this feeling. Para kasing kinakabahan ako na nage-enjoy? Lalo na kapag maiisip ko ang “good” outcome nito.
Since friends na kami, visible na sa’kin ang lahat ng posts niya. Scroll ako nang scroll hanggang nakarating ako sa pinakadulong post nito.
Hindi ko rin namalayan na “like” pala ako nang “like” lalo na ng mga picture niya.
Late ko na na-realize na magkakaroon siya ng notifications. Mapa-flood siya ng notifications from me! Nakakahiya! Pero nangyari na. Hinayaan ko na lang.
Ang importante ay marami akong nalaman sa kanya at marami akong nakuhang pictures niya. Yes, I downloaded almost all of his photos. I was mesmerized. Grabe, kahit kasi stolen shots, ang guwapo-guwapo niya pa rin. Kahit nagwa-wacky na siya, he’s still handsome! I must admit: I like him.
Love at first sight? Kahit ‘di pa kami nagkikita sa personal. Gan’on ‘yong feeling. Kakaiba!
Hindi lang siya guwapo physically. I believe he has a good heart, too. I saw one of his posts. Tuwing birthday niya, napunta siya sa mga orphanage at doon nagse-celebrate. He loves kids, bagay na hinangaan ko sa kanya. He is good-looking and kind-hearted.
Double check! 100 pogi points! I laughed. Nababaliw na ako.
These are some of the information that I got:
George Aries Lopez Andrade is his complete name, but he preferred to be called George than Aries. His birthday is on the 2nd of December, and he’s living with his parents and a younger sister. He loves sinigang so much na kahit ‘yon lang palagi ng ulam niya, marami pa rin siyang makakain. He graduated Magna Cum Laude at University of Sto. Tomas. He ranked 4th in the Civil Engineering Board Exam. He’s afraid of flying cockroach. He hates rats.
Wala akong masabi.
Can I call him “my dream boy”?
Pero ito talaga ang the best, e:
He’s never been in a relationship yet.
* * *
Nang mag-uwian na, nilapitan ako ni Blesie para kumustahin ang Step 2. Sinabi ko sa kanya ang mga nalaman ko at ibinigay sa kanya ang envelope na naglalaman ng mga information na nakuha ko.
“Grabe, Georgina! Baliw ka!” namamanghang turan sa akin ni Blesie habang binubuksan ang envelope na ibinigay ko.
“Bakit? May problema ba? Sinunod ko naman ang Step 2, a?”
Tumawa siya. “Sinabi ko bang i-print mo ang buong Facebook profile niya? Lagot ka kay Boss Lee! Inubos mo ang bond papers ng department!”
“Marami ba? Akala ko, kaunti lang. Hindi ko na natingnan, e.” Para nga akong baliw. Parang nawawala ako sa sarili ko. Because of that Georgie Boy! Ugh! “Papalitan ko na lang.”
“You like him, don’t you?” Blesie asked as she eyed me like a serial killer being interrogated. Grabe.
“A, e...”
“Silence means yes.”
Kinuha ni Blesie ang isa kong kamay at hinila na ako palabas ng office para umuwi. Ililibre niya raw ako, advance celebration daw sa nalalapit kong pagkakaroon ng boyfriend.
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...