Chapter 16

95.2K 1K 161
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 16

 

“Make unforgettable memories.”

George

Nagbayad na kami ng entrance fee. Siyempre, my treat. This was our first date. Dapat maparamdam ko sa kanya na special siya sa akin. You heard it right. She’s special, and I like her. Or, I must say, I love her.

“Wow!” Amazed na amazed na siya pagpasok pa lang namin. Una kasing makikita ang carousel. Tiningnan ko siya. Para siyang bata na first time lang nakarating dito sa EK. Ang cute niya.  Sabi niya kasi, ang tagal-tagal na nang huli siyang makarating dito.

“Ano’ng gusto mong unang sakyan natin?” tanong ko sa kanya.

Nag-isip naman siya at tiningnan ang brochure na ibinigay sa’min kanina, isang mapa ng buong EK. “Puwede bang sabay-sabay?” Ang kulit niya talaga.

“Kung puwede lang, bakit hindi?” sabi ko. “Sa Rio Grande Rapids na lang muna tayo para mabasa na agad tayo tapos magpapatuyo tayo sa Flying Fiesta. Para bago tayo umuwi, tuyo na ang mga damit natin. Ano? Ayos ba?”

Rio Grande kasi lagi ang una naming pinupuntahan dito. Kapag kasi mali ang naupuan mo at napiling puwesto, may chance na mapatapat ka sa falls. Mababasa ka, parang ako dati.

“Sige, sige! Tara, lets! Tara, tara, lets! Excited na ako!” Excited talaga siya. Tatakbo pa nga sana siya pero pinigilan ko lang.

“Uhm, G, wait lang.” Paano ko ba sasabihin ‘to? “Kailan kayo huling nagkita ni Miss Lee?”  Kailangan kong malaman kung alam na ba niya o hindi. Kinakabahan kasi talaga ako.

“Kanina. Bakit?”

“Kanina? May sinabi ba siya sa’yo?” Kung nagkita na sila kanina, posibleng…

“Nakita kasi ni Blesie si Boss Lee sa bar, naglalasing tanghaling tapat. Hinatid ko lang siya sa bahay niya bago ako dumeretso rito. Wala naman siyang nasabi.”

Nakahinga ako nang maluwang. Buti naman.

“Pero sabi niya, may sasabihin daw siya pag-resume ng work.”

Sasabihin na niya na ako ang spy na hinahanap n’yo. Wala na akong mukhang ihaharap sayo, G, ‘pag nalaman mo lalo pa’t galit na galit ka sa spy na ‘yon na walang iba kundi ako.

I sighed. Nanlumo na naman ako.

“George, tara na!” Bumalik ako sa katinuan nang marinig ang sigaw niya. Malayo na siya. Excited talaga! Napangiti na lang ako. Saka na muna ako mag-aalala. Ang mahalaga muna ay ngayon.

Hindi ko sasayangin ang araw na ‘to.

* * *

Georgina

Nabasa ako! As in! Ang malas ko. Libreng ligo sa EK! Rio Grande Rapids! Kasi naman, e. Napatama ako sa falls. Nabasa tuloy ang damit ko.  Si George namanm walang kabasa-basa. Ang daya! Kaya bago matapos ang ride, binasa ko siya para pareho kami. Parang bata lang ako ngayon. Na-miss ko kasi talaga rito sa EK.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon