Chapter 19

87.7K 879 77
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 19

 

“For every happiness comes sadness.”

-Unknown

Georgina

Ang saya pala ng bawat araw kapag in love ka at in love rin sa’yo ang mahal mo. Nakakatuwa. Nakaka-good vibes. Nakakalimutan ang problema. Iba ang feeling! Parang walang problema kahit mayro’n. Parang okay lang ang bawat araw kahit hindi. Nahihigitan ng saya at kilig ang anumang alalahanin.

Love. Nakakadik pala.

Pero ano nga ba’ng mayro’n sa’min? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Walang label. Sinabi niyang mahal niya kao. Ako, walang sinabi pero pinaparamdam ko sa kanya na mahalaga siya. Mutual understanding nga, ‘di ba? Pero walang assurance kung ano talaga’ng mayro’n sa’ming dalawa.

Hindi niya naman siguro ako lolokohin, ‘di ba? Totoo naman ‘yong sinabi niya, ‘di ba?

I’m afraid to tell him I love him. Siguro kapag medyo tumagal pa nang konti. There’s really something in me na hindi ko maipaliwanag na pumipigil sa’kin para ‘wag munang bitawan ang mga salitang “I love you” sa kanya.

Just go with the flow na lang muna. Ang mahalaga, pareho kami ng nararamdaman at masaya kami.

Ngayon, ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang “spy”. Since back to work na, kailangan na naming hanapin kung sino ito. Nakakaloko na kasi, e. Hindi na talaga naging stable ang investements ng C&K. Grabe ang spy na ‘yan! Lalo na ang kakuntsaba niya.

On-time akong pumasok sa kompanya. Pagpasok ko sa opisina, si Blesie agad ang bumungad sa’kin. Hindi ko talaga siya maunahang pumasok.

 “G, pinapapunta na raw tayo sa Conference Hall.”

Oo nga pala. Nagpatawag ng meeting si Boss Lee.  In-annouce niya ‘yon through text na sa pag-resume raw ng trabaho, meeting agad. Very important matter daw. Parang natakot ako.

Tumayo na ako para sundan si Blesie nang mapatingin ako sa table na nasa harap ng sa akin. Akala ko late lang siya pero may napansin akong kakaiba.

“Bakit…?”

Lumapit ako sa table ni George. Malinis na iyon. Wala na ang mga gamit niya.

“Ano’ng ibig sabihin nito?”

“G! Ikaw na lang ang hinihintay!” sigaw ni Blesie mula sa labas ng Finance and Engineering Department.

“P-Papunta na.”  Parang bigla akong kinabahan. Hindi ako mapakali. Hindi ko maintindihan.

* * *

Jacey

“Good morning, ladies and gentlemen. Welcome back! Na-miss ko kayong lahat,” masaya kong bati sa mga mahal kong empleyado. Oo, mahal ko sila kasi sila na ang tinuring kong pamilya. Sila na lang ang pamilya ko.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon