PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 21
“Watching love stories makes us fall in love and believe that there is really someone meant for all of us. But sometimes, no matter how happy and in love we feel while watching; it can’t take away the thought that it’s just a movie and not a reality.”
-Unknown
Simula nang malaman ni Georgina na si George ang “spy” ng KGP Inc. sa C&K Company, at pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon, tinanggal niya na at inalis ang anumang bagay na makakapagpaalala sa kanya sa binata. Lahat ng pictures nito na nakalagay sa cellphone at laptop niya pati ang mga kuha sa Enchanted Kingdom, kung saan ang kanilang first date, na nasa DSLR ni Blesie ay binura niya na. Pati contact nito sa telepono niya ay binura na rin nito.
Ginawa niya ang lahat ito para makalimot na. Para makalimutang may isang lalaking nagpa-asa sa kanya, nagparamdaman na mahal siya gayong lahat pala ay kalokohan lamang at parte lang ng plano nila kasabay ng pagpapabagsak sa kompanyang pinangangalagaan niya.
“George Aries Andrade, itaga mo sa bato, malilimutan ko rin ang lahat sa’yo!”
Napansin ni Blesie ang pagbabago ng kaibigan. Hindi na ito maingay at madaldal. Hindi na rin siya masayahin tulad ng dati. Wala na siyang inaatupag ngayon kundi magtrabaho. Maya’t-maya ang pagpapabalik-balik niya sa opisina ni Boss Lee. Ginagawa nila ang lahat para maibalik sa dati ang kompanya. Hindi na rin nakakasabay ni Blesie si G mag-lunch. Hindi na sila nakakapagtsikahan tulad ng dati.
Naiintindihan ni Blesie ang kinikilos ng kaibigan. Alam niyang nasaktan ito. Mahal ni G si George kaya nang malamang niloloko lang siya nito, nagalit din si Blesie sa binata.
Pumunta si Blesie sa office ng Engineering and Finance Department, nagbabakasali na makikita roon si G para yayaing mag-lunch. Sobra niya na kasing nami-miss ang kaibigan.
Pagpasok niya sa opisina, wala si G. Pumunta siya sa table nito at saka nagbutingting ng kung anu-ano. Actually, inayos niya ang table ni G na noo’y punong-puno ng mga papel: documents ng kompanya, budget plans at kung anu-ano pa. Inayos ni Blesie ang salansan ng mga ito. Habang ginagawa niya ‘yon, may nahulog. Nakaipit iyon sa mga papeles.
Kinuha ni Blesie ang nahulog na papel. Nagkamali siya ng tingin. Hindi pala papel ‘yon kundi picture. Picture nina Georgina at George.
“Mahirap talagnga makalimutan ang first love. Kawawa naman ang bestfriend ko.” She sighed.
* * *
Seryoso naman ang mukha ni Mr. Eun habang nakatitig sa lalaking kausap niya, ang lalaking sumira sa kasiyahan niya noong unang araw ng pagbalik sa trabaho. Isang lapastangan ika niya na akala mo kung sino para magpabalik-balik pa sa KGP Inc. at istorbohin siya. Sino ba siya sa akala niya?
“Mr. Lee, hangga’t hindi ka nakikipag-usap sa’kin, araw-araw mong makikita ang mukha ko sa kompanyang ‘to.”
Matipunong lalaking nakasuot na itim na suit at pantalon ang kausap ni Mr. Eun. Nakasalamin ito at nasa 40 na ang edad. Hindi maalala ni Mr. Eun kung saan niya nakita ang lalaking ito pero mukha talagang pamilyar.
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...