Book 2: I'm NBSB No More Prologue

7.8K 115 6
                                    

A/N: Para sa mga hindi pa nakakaalam na may Book 2 ang I'm 20 but still NBSB at completed na rin. :)



#ImNBSBnomore



Prologue

Georgina

Once upon a time, isa akong NBSB. Isang 20-year old na dalagang ginawang big deal ang hindi pagkakaroon ng kasintahan. Naging bitter din sa tuwing makakakita ng magka-holding hands, nagsusubuan, nagbibigayan ng regalo, naka-couple shirts, nagbabatian ng Happy Monthsary, nagtatawagan ng Honey, Baby, Love, Sweetie Pie, etc, etc. Kahit status sa Facebook na may feeling loved ay kinaiinisan ko rin. Nagkaroon ako ng maraming tanong sa sarili ko noon.

Panget ba ako? Nate-turn off ba sa akin ang mga lalaki? Mataray ba ako? Masungit? Hindi ba ako girlfriend-material?

Pero ang mala-one million dollar question ay bakit hindi pa ako nagkaka-boyfriend?

Hanggang sa naalala kong may isa palang lalaki ang nagparamdam sa akin noon undergrad ko na may gusto raw ito sa akin. He should have told me personally. E di sana, hindi ako NBSB. Sana kahit hindi man naging in a relationship ang status ko noon ay nagkaroon man lang ng ka-Mutual Understanding. Pero torpe siguro. Ginamit lang ang bulletin board sa department ng college namin para iparating sa akin ang nararamdaman niya. Pagkatapos, wala na. Ano pa bang magagawa ko kung mismong ang lalaking may gusto sa akin ang umiwas? Paano ko siya makikilala kung ayaw niyang magpakilala?

Siguro ay ilang beses na nasamid si Tadhana sa lagi kong paninisi sa kanya noon. But what made my searchfor happiness a bit challenging is when I have received a spam message with 10 steps on how to have a boyfriend. Pakiramdam ko noon, 'yon na 'yon! Binigay na sa 'kin ni God ang sign na 'yon to try to look for the man of my dreams. Sa simula, s'yempre, nandiyan ang mag-da-doubt ka dahil parang nakakahiyang ako na babae ang gagawa ng first move. But fate worked for it.

See?

10 steps on how to have a Boyfriend

Getting a boyfriend is easier than it seems. Just be yourself and follow these steps:

1. Find a guy of your taste. Make sure he doesn't have a girlfriend.

- It's pointless to go after someone who is already in a relationship.

2. Get quick lessons about his life.

- His favorites, interests, and the like.

3. Try to become his friend.

- This may be a good start.

4. Smile. Have confidence. Laugh and be positive.

- Take away all bad vibes. Ignore them. Always be optimistic.

5. Don't overdo make-ups, but learn to dress well.

- Simplicity is beauty.

6. Body language.

- If you can't be verbally open, at least let your feelings show.

7. Make him feel important.

- So that you'll be important to him, too.

8. Show him that you'll be a good fit for him.

- Reveal tidbits about yourself. Make him realize you're matched!

9. Allow some time away from him.

- Make him miss you.

10. Read his signs.

- He might be already in love with you.

I used these steps to Engr. George Aries Andrade and rest is history.

Halos sukuan ko na ang pagsunod sa mga iyan pero sa tuwing susubukan kong tumigil na, magkakaroon naman ng dahilan na nagsasabing ipagpatuloy ko pa. Kapag nga naman nakapagsimula ka na, tapusin mo na. And I regret nothing.

I maybe took risks, felt afraid and scared but everything's worth it. Everything's worth the wait.

Who would have thought that a formerly No-Boyfriend-Since-Birth girl will find her happiness? God has His perfect timing for everything talaga.

I am now Georgina Agnes Steve Andrade, married with two kids.

So what kung NBSB ako noon? Ngayon naman, I'm NBSB no more.

But what's life without complications?

Ang mga pagsubok sa buhay, problema at mga pinagdadaanan ang siyang magpapatatag sa bawat samahan. Natapos man sa kasiyahan ang unang bahagi ng kwento namin ni George, hindi pa rin sigurado kung hanggang sa huli ay ganoon pa rin. Walang-wala ang mga napagdaanan namin sa mga napagdaanan na ng ibang matatag nang relasyon. Kumbaga, mahina pa ang aming pundasyon.

Bago lang kami sa buhay na ganito. Walang experience sa kahit na ano. First boyfriend ko siya at gano'n din ako sa kanya. Walang pormal na ligawan at sagutan na naganap. Bigla na lang nangyari ang mga pinaniniwalaan naming meant to happen. Mahal namin ang isa't-isa, walang duda roon. Pero ang takot sa puso ko, imbes na mawala, lalong umusbong.

Tunay bang may lalaking puro kabaitan lang ang alam? Na ni minsan hindi makakagawa ng kamalian at kasalanan? Posible bang hindi sila maakit at madala ng tukso?

Paano kung maimpluwensiyahan siya ng mga kaibigang bago lang niya makikilala? Paano kung may mga walang hiya't malalanding babae na pipiliting sumingit sa relasyon naming dalawa?

Paano kung ang isang mabuting lalaki, magsawa rin? Iiwan na lang ako? Iiwan na lang kami ng mga anak ko?

Akala ko, mahirap kapag manloloko, babaero at lapitin ng tukso ang asawa. Kahit pa sanay ka na. Kahit na sabihin niyang nagbago na siya. Pero mas mahirap pala kapag walang experience na ganoon. Mas mahirap, mas masakit kapag nagkataon. Mapa-paranoid ka na lang sa kakaisip na paano na kapag naisipan niyang gumawa ng mga ganoon.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahit na ang mag-asawa, naghihiwalay din. Paano kaya ang lovestory namin?

Look for I'm NBSB No More on my profile!



www.facebook.com/nayinkofficial

@ nayincyp on Facebook and Instagram

@ nayiiiiin Twitter



I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon