PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 15
“Worrying is a waste of time. It doesn't change anything.
It just messes with your head and takes your happiness.”
-Unknown
George
Pinag-isipan kong mabuti kung pupunta ba ako rito o hindi. Gusto kong maging masaya ngayong Pasko pero paano pa mangyayari ‘yon kung magagalit sa’kin ang taong gusto kong makasama ngayon? I felt so guilty.
Alam kong mali pero bakit ko pa ginawa? Pero nagawa ko lang naman talaga ‘yon para sa pamilya ko. My mom is sick and Mr. Eun is there to help me. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya nang hilingin niya sa’kin ‘yong bagay na ‘yon, agad kong ginawa. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari, na babagsak ang numero-unong kompanya sa Dasma. This was all my fault.
Ngayong alam na ni Miss Lee, sigurado sasabihin niya na rin kay G. ‘Pag nalaman ni G, magagalit siya sa’kin. Iiwasan niya ako. At ‘pag nangyari ‘yon, ang lungkot ng Pasko ko.
I could remember the first time I saw her. Sa mall, sa SM Dasma. Papunta ako sa department store nang makita ko siyang mukhang na-curious sa nagaganap sa event center sa ground floor. Hindi ko alam kung love at first sight. Pero nang makita ko kasi siya,kahit hindi ko pa alam ang pangalan niya noon, napangiti na lang ako. Ang simple niyang ganda, nagdulot ng naiibang saya sa puso ko.
Ngayon na may kasalanan ako sa kanya at sa kompanyang mahal niya, makikipagkita pa ba ako sa kanya?
* * *
Parang ewan ako rito. Kanina ko pa tinitingnan si Georgina. On time naman ako dumating dito sa EK e kaso hindi pa ako nagpapakita sa kanya. Natatakot ako. Baka magalit siya sa’kin. Baka kasi alam niya na.
Naka-crossed arms na siya. Parang naiinis na dahil akala niya siguro late na naman ako o baka hindi na naman matutuloy ‘to tulad nang biglang dinala si Mama sa ospital.
Kinakabahan kasi talaga ako. I sighed. Nakita kong nagte-text siya. Tama nga ako, para sa’kin ‘yon.
From: Ms. Steve
George? San ka na?
Ano’ng ire-reply ko? “Nandito sa likod mo”?
Thirty minutes na nakalipas. Lumipat ako ng puwesto, sa lugar na mas makikita ko siya. Natitigan ko ang mga mata niya. Ang lungkot niya. Nakokonsensiya na ako. Nag-text na ulit siya.
I’ll wait, George
Huminga ako nang malalim. ‘Di ko dapat sayangin ang araw na ‘to. Alam niya man o hindi, dapat maging masaya kami. Baka ito na ang huling pagkakataon para makasama ko siya.
Agad akong lumipat sa kinatatayuan niya. Hindi niya pa ako napapansin. Nag-text ako sa kanya.
I’m already here :)
Narinig ko naman na tumunog ang phone niya. Nasa likod niya lang ako pero hindi niya pa talaga ako nakikita.
I looked at her phone and saw something that made me smile. Ang name ko sa contacts niya: “My George”
Natulala ako sa nakita ko. Nakatingin lang sa likod niya. Wala pa siyang ginagawa pero parang kumpleto na ang araw ko. Buti na lang pala at hindi ako nagpadala sa takot. Kung nagkataon, ipagkakait ko sa sarili ko ang maging masaya. Kalimutan na muna ang mga problema. Dapat maging maganda at unforgettable ang araw na ‘to.
I texted her telling, “Kanina pa ako nasa likod mo.”
Tumingin si Georgina sa kanyang likod at nakita ako. We’re so close. We’re facing each other. Pareho kaming hindi makapagsalita at nakatitig lang sa mga mata ng isa’t-isa. Parang nag-freeze ang lahat.
Parang wala nang problema. Parang siya lang ang mundo ko.
* * *
Georgina
Kanina pa ‘tong puso ko. Abnormal! Kalma, please, kalma. Ayan lang si George, o. Baka marinig ka niya. Bakit ba kasi hindi nagsasalita si George na nasa likod ko lang pala siya. Pagka-text niya tuloy, napatingin ako sa liko tapos…we’re too close. Ang bango niya.
Dahil pa rin sa pagkabigla, nakatingin lang ako sa kanya – straight into her eyes. I was speechless.
“G…”
“G-George..”
Hindi pa rin nagbabago ang posisyon namin.
“Sorry, late ako.” Napakamot pa siya sa ulo. Nahiya siguro.
“O-okay lang.” Kahit isang araw pa akong maghintay, basta ikaw, George, ayos lang.
Heart, behave kasi!
Hindi ako makapagsalita nang deretso. Bakit ba hindi pa siya gumagalaw para lumaki na ang space sa pagitan namin kasi malapit na akong matunaw? Na-frozen na kasi ako. My gulay!
Maging ganito kalapit sa taong gustong-gusto mo, hindi nakakakilig, e. Sobrang nakakakilig!
“Tara na?” pag-aayaya niya. Finally.
“Tara.”
Nauna siyang maglakad. Pagtalikod niya, mabilis ko pa siyang inamoy. Ang bango niya kasi talaga. Lalong nakakaguwapo. Lalo tuloy akong nahuhulog.
I whispered, “Please, Lord, kahit ngayon lang. Please make me the happiest girl in the world. Please make this day one of the best days of my life.”
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...