PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 2
"Nothing lasts forever. So take chances, and never have regrets."
Georgina
Bakit hindi pa ako nagkaka-boyfriend? I am already twenty, pero hindi ko pa rin 'yan masagot.
Hindi ko talaga alam kung ano'ng problema sa'kin. Ano ba'ng kulang? May mali ba sa physical appearance ko? Marunong naman akong makisama. May hitsura naman ako. Maganda? Oo! Many people told me! I have a good heart. I believe, mabait ako. I used to be a model pupil back then. Best in Values pa.
I could remember my college friend told me, for about a hundredth time, "Maganda ka nga, wala ka namang boyfriend."
It hurts. Simpleng mga salita na bagaman hindi sinadyang makasakit, masakit pa rin sa puso. Tinamaan ako, e! Tagus-tagusan.
Bakit nga ba kasi? Bakit 'yong mga hindi maganda o mas maganda pa kaysa akin, may boyfriend, masaya, in love? Bakit 'yong mga normal lang ang hitsura, may nahanap na kapareha?
Alam mo 'yon? Hindi ako perpekto, oo, at walang taong perpekto. Pero kahit papaano naman siguro, puwedeng-puwede naman akong maging girlfriend. Pero bakit ba nga kasi hindi pa ako nagkaka-boyfriend? Nakakainis naman, e.
Agang-aga, bad mood ako. Dinapuan ako ng mga negatrons at bad vibes sa katawan. I was leaning on my table. Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho. Dahil 'to sa kahapon, e, that not-so-good scene I witnessed! Ugh!
"Bad mood, 'te?"
"Isn't it obvious?"
"Ang sungit naman nito."
Naupo siya sa vacant seat sa tabi ng table ko. She's from Engineering Department. Magkasama lang ang Finance at Engineering sa company kaya same office lang kami. This girl seems to be the closest person I've known here in C&K Company, Inc., ang pinagtatrabahuhan ko.
Since its founding in Dasma in 1999, C&K Company, Inc. has become the leading firm for real estate, itinaguyod ng nasirang Mavi at Arnold Lees na siyang lolo at lola ng boss namin ngayon. Sa tulong ng malapit na kaibigan ng mga Lees, naging maayos ang pagpapatakbo ng kumpanya kahit na si Boss Jacey Lee na lang ang naiwan para rito.
"Sorry, B. Carried away," I apologized to Blesie.
"Lalaki na naman 'yan, ano?"
I didn't answer.
We're co-employees for a year. That short span of time made us good friends. Lagi kaming magkasama at nagdadaldalan. Siya ang tagasuporta ko sa pangarap kong makawala sa NBSB Club. Pero number one din siya sa pagsasabi sa'kin ng, "Lalaki lang 'yan! Hindi mo dapat 'yan pinoproblema. Kung wala kang boyfriend, ano naman? Nakamamatay ba 'yon? May haharang ba sa'yo sa kalye at hoholdapin ka or ikukulong kapag nalaman nilang hindi ka pa nagkaka-boyfriend?"
Parang nangyari na 'to. Actually, it happened a lot of times already. Ganitong-ganito lagi ang dialogue niya sa'kin kapag madadatnan niya akong nagmumukmok. Alam niya na kasi agad. Minsan, kahit hindi naman talaga "lalaki" o tungkol sa pagiging NBSB ko ang iniisip ko, ipipilit niya pa rin. Lagi niya akong sinisigawan. Medyo nakaririndi pero 'yon ang dahilan kung bakit kami naging mag-bestfriend. Hindi pala—more than that. We're like sisters.
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...