Chapter 17

90K 952 77
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 17

“Even just for a day, forget all the pain.”

George

Sinundan ko si G.  Naisip ko kasing sa labas na lang ng restroom siya hintayin. Kaya lang, hindi naman siya nagpunta ng CR, e. Sa isang boutique siya nagpunta.

Sinilip ko kung ano’ng binili niya. Isang T-shirt. Ang ganda nga ng design. Kanino naman niya kaya ibibigay ‘yon? Talagang hindi niya pa sinabi sa’kin na gusto niyang bumili ng souvenir. Nakangiti pa siya pagkakuha sa damit. Ang suwerte naman ng pagbibigyan niya.

Bumalik na siya sa bench na pinag-iwanan niya sa akin.

“Akala ko ba sa restroom ka pupunta?” seryoso kong tanong.

“A, e, George…”

“Para kanino ‘yang binili mo? Sana nagsabi ka para nasamahan kita at natulungang pumili.”

“Upo muna tayo, George.” Naupo kami ulit sa bench tapos inilabas niya ‘yung binili niyang T-shirt. “Ang totoo kasi niyan…”

“Hindi kita pipilitin na sabihin kung para kanino ‘yan. Tara na, rides na ulit tayo.” At tumayo na ako.  Mas mabuti nang ‘wag kong alamin kung kanino niya ‘yon ibibigay.

Bad trip. Nagseselos ako!

“George, belated happy birthday. Sorry, nalimutan ko ang birthday mo. Pasensiya na kung ito lang ang regalo ko.”

Lumingon ako sa kanya. Nakatungo siya habang inaabot sa’kin ang T-shirt. Napangiti ako.

“Para sa’kin? Salamat, G.” Kinuha ko naman ang damit. Itinunghay ko ang ulo niya. Nakahawak ang isa kong kamay sa pisngi niya. Namumula na siya, na naging dahilan para lalo siyang gumanda. “Salamat, Georgina.”

 At hindi na ako nakapagpigil pa: Hinila ko siya papalapit sa akin at saka siya niyakap – isang bagay na matagal ko nang gustong gawin.

Ilang minuto rin kami sa gano’ng posisyon. Ang saya lang sa pakiramdam. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya. Sana puwede ko lang sabihin dito na ako na lang sana ang maging dahilan ng pagtibok nito. Kung puwede lang.

Ilang sandali pa’y umingay ang paligid at lumiwanag ang langit.

* * *

Georgina

Nagsimula na pala ang fireworks display. Ang ganda ng langit. Lalong naging masaya ang gabi ko lalo pa sa nagyari kanina-kanina lang. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.  Speechless. ‘Yong feeling na, ang taong mahal mo, na ginagawan mo ng paraan para mahalin ka rin, bigla ka na lang yayakapin. Ramdam ko na kahit papano’y may nararamdaman din siya para sa’kin. Ang saya ko.

Pareho kaming nakatingala sa langit ngayon. Saglit akong napasilay sa kanya. Nakangiti siya. Napatingin din ako sa kamay niya na nasa balikat ko.

Bigla na lang pumasok sa isip ko: Love sa bisperas ng Pasko.

Ten minutes din ang itinagal ng fireworks. Ang ganda.  Nakangiti pa rin ako kahit tapos na.

Si George naman, naupo ulit sa bench at tinanggal sa plastik ang ibinigay kong T-shirt sa kanya, hinubad ang suot niyang t-shirt, at sinuot ang bigay ko. Grabe, George! Maraming babaeng nakakita na dapat ako lang! Nakakainis ka! Namula ako. Nakita niya kasing pinapanood ko siya kaya agad akong umiwas ng tingin.

“Ayos, a. Sakto. Thanks, G,” nakangiti niyang sabi sa’kin. “Pero ‘di mo naman kailangang mag-abala pa. Happiness is not seen in material things you receive but in special moments you make with people significant in your life. But then, thanks a lot for this. And for coming with me here on our first date.”

I smiled. Umaapaw ang kaligayahang nadarama ko.

Isa na lang ang hindi pa namin nasasakyan: ang Wheel of Fate. Agad kaming pumila.

Dahil medyo malayo pa, kinuha ni George ang camera at saka piniktyuran  kaming dalawa haabang siya’y naka-akbay sa’kin. Ang cute. We’re like couples. How I wish we’re a real one.

Habang nakatayo at naghihintay ng turn namin, may bata namang lumapit sa amin.

“Ate, kuya, mag-boyfriend at girlfriend po kayo? Sana po, oo, kasi bagay kayong dalawa.”

Napangiti naman ako sa sinabi ng batang lalaki na siguro mga five years old pa lang and, at the same time, nahiya kay George dahil sa boyfriend/girlfriend thing.

Lumuhod naman siya para kausapin ang bata.  “Hindi, e. Pero kung sasabihin mo kay Ate G na maging boyfriend na lang si Kuya George, baka pumayag siya.”

Napalunok ako. Tama ba’ng narinig ko? Sinasabi niya lang ba ‘yon sa bata para hindi siya m-adisappoint sa pagaakalang kami ni George? O…

“Ate G…ate G, boyfriend mo na si Kuya George, ha?”  Hininhintay niya akong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin ko.  Kung puwede lang umo-oo agad-agad, e!

“Ayaw niya yata e,” sabi ni George sa bata.

“Ate G,  please. Boyfriend mo na si Kuya George.” Hala, umiyak na siya. Hay, naku naman. Agad naman din akong lumuhod para mapunasan ang luha niya.

“Don’t cry na. From now on, boyfriend na ni Ate G si Kuya George. Okay. Smile na. ‘Wag nang iyak, ha?” Wala akong choice! Umiyak na ‘yong bata, e!

“Yehey! I will not cry na. Thank you, Ate G.” Then he kissed me on the cheek. Napangiti ako. Ang cute-cute niya.

“Kuya George, don’t make her cry, ha? Love each other para dumami ang mga tulad kong cute.” Napatungo naman ako sa huli niyang sinabi. ‘Yong totoo, ilang taon na talaga ‘tong batang ‘to?

Akala ko sobra-sobra na ang kakiligang nararamdaman ko. Hindi pa pala. Bigla kasing nagsalita si George. “I promise, little boy. I will love Ate G forever.”

Napatingin na lang ako sa kanya na seryosong nakatingin at nakangiti sa bata.

 “O sige po, una na ako. Bye-bye po.” At tumakbo na siya palayo. Sinundan namin siya ng tingin ni George.

Nagkatinginan kami nANg mabasa namin ang nakasulat sa likod ng damit ng batang lalaki: “I Am a Baby Cupid”

Napatawa na lang kami at saktong turn na namin sa Wheel of Fate.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon