PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 6
“Fate knows when to leave everything on you.
But it also knows when to work and help you.”
Georgina
Early in the morning, tumunog ang alarm clock ko. May pasok. I opened my eyes. My head became painful. Parang hinihigit ako ng kama pabalik pero kailangan kong bumangon. Pinilit kong tumayo kahit masama ang pakiramdam ko.
Parang magkakasakit ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa narinig ko kagabi or sa mga thoughts na naisip ko, or dahil hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa okupado ako, I don’t know.
Ang alam ko lang, I wanted to stop this nonsense – that 10 steps thing. Ayaw ko na. Wala akong pakialam kung NBSB ako forever. Basta, ayaw ko na. Ayaw ko nang matamaan ako sa mga maririnig ko na kahit hindi para sa’kin, tagus-tagusan sa puso ko. Masakit.
I took a cup of coffee. Nagpaalam na ako kay Mama. Nakahanda na ang breakfast pero wala talaga akong gana.
She pushed me to take Bioflu o kaya naman ay Biogesic, pero ayaw ko. I hate medicines. I barely take some, only if I badly needed one. Pero wala lang naman ‘tong nararamdaman ko. Dala lang ‘to ng pagpapaasa ko sa sarili ko na hindi na ako NBSB.
But I just made myself believe. Ikaw naman kasi, G, e!
Pero si mama ay dakilang ina. Hindi niya talaga ako pinaalis nang hindi umiinom ng gamot at kumakain. She even locked the door just to make sure I won’t leave. I had no choice.
Kaunti lang ang nakain ko. Uminom ako ng gamot, nagpaalam kay Mama at pumunta na sa kompanya.
Past 8 na ako nakarating sa office. Medyo late na. Pero I was surprised, walang kahit sinong tao sa office. Napatingin agad ako sa relos ko para siguraduhin na tama ang oras. Tiningnan ko rin ang oras sa phone ko—magkaparehas. Nasaan sila?
I placed my bag on my table. Pupunta ako sa office ni Boss Lee. Baka nagpatawag ng biglaang meeting. Madalas nagyayari ang mga gano’n lalo na kapag may biglaan ding issues and problems.
I was about to open the door nang may nasa labas na hinawakan din ito para buksan. Nagkasabay kami. Si Blesie.
“May sasabihin ako, B.”
“May good news ako sa’yo!”
Nagkasabay kami ng sabi. I was feeling down. She was full of joy.
“Nasaan sila?” tanong ko.
“Nasa office ni Boss Lee. Bakit ka late, G?” May kinuha siya sa table niya. Mga folders. May meeting nga siguro.
“Si Mama kasi, e.”
“Tara na. Hindi pa naman din nagsa-start. Biglaan din kasi. Sakto lang ang dating mo.”
Habang naglalakad na papunta sa office ni Boss Lee, nagsimula na akong magkuwento.
“Blesie. I think about this for the entire night at sure na sure na sure na talaga ako.”
Nagmamadali pala si Blesie. Ang bilis naming nakarating sa office ni Boss Lee. Hindi niya yata naintindihan ang sinabi ko. I sighed. Sige, mamaya na lang.
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Novela JuvenilPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...