Chapter 20

85.9K 796 82
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 20

 

“If it still hurts, you still care.”

 

Georgina

Bakit siya pa?  Paanong…? God! Please tell me, mali silang lahat! Please, sabihin mo pong hindi ito totoo.

C&K Company ang pangalawa kong pamilya. Bukod sa mga magulang ko, ang mga kasamahan ko sa kompanya ang nagparamdam sa’kin na “I belong”. Tinanggap nila ako nang buong puso lalo na ni Boss Lee.

Isa ako sa mga pinagkakatiwalan niya. Kasama din ako sa tinatawag na wise men ng C&K. Mula sa maging scholar nila ako noong undergrad hanggang sa OJT ko na, dito ko ginawa.

 Mahal na mahal ko ang kompanyang ‘to. Ito na dahilan kung nasaan man ako ngayon. Ito na nagbigay sa akin ng trabaho kahit wala pa ako sa tamang edad dahil tulad ni Boss Lee na hindi nalalayo ang edad sa’kin ay may kakayahan na kaya rin may scholars sila na binibigyan agad ng trabaho rito kahit hindi pa nakaka-graduate.

Kaya ako na 20 lang, tatlong taon na agad nagtatrabaho sa kompanyang ito. Bahagi na ng buhay ko ang C&K kaya lahat ay gagawin ko para sa kompanya.

Pero mahal ko rin si George.

Umalis ako sa office ni Boss Lee. Lumabas ako ng kompanya para pumunta sa isang park malapit dito. Kailangan ko ng sariwang hangin. I needed to relax. I needed to think. Ano ba’ng dapat kong gawin?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinititigan lang ang screen nito. Picture ni George ang nasa wallpaper.

“Bakit ikaw pa, George…” Inikot-ikot ko ang cellphone na hawak ko. Pumikit ako sandali at saka malalim na huminga.

I texted him.

Can we talk?

Kailangan naming mag-usap. Kailangan kong maintindihan ang lahat habang napipigilan ko ang puso ko na magalit. Kahit na pinipilit na ako ng utak ko na tigilan na ‘to. Kailangan kong marinig ang paliwanag niya. Kailangan ko siyang makita.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob. Kailangan kong masabi ang lahat ng gusto kong sabihin. Kailangan kong maitanong ang lahat ng bumabagabag sa kalooban ko.

After a couple of minutes, tumungo na ako sa restaurant na pagkikitaan naming dalawa. Pagdating ko roon, nandoon na siya. Huminga muna ako nang malalim saka pumunta sa table na kinaroroonan niya.

“George.”

“G.”

Naupo ako. Ayaw ko nang pahabain pa ‘to. Kailangan ko ng sagot ngayon na mismo.

“Totoo ba?” panimula ko. Sabihin mong hindi. Please, sabihin mong hindi totoo ‘yon. Ipagtatanggol kita sa kanila. Aayusin natin ‘to.

Hindi siya kumibo. Tumungo lang siya.

“George, totoo bang ikaw ang spy na galing KGP?”

Hindi siya sumagot.

“George, ikaw ba? Mgasalita ka naman, o.”

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon