Chapter 18

90.4K 879 58
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 18

“The best love story is when you fall in love

with the most unexpected person at the most unexpected time.”

-Unknown

Georgina

This is the best Christmas Eve so far! The clock struck exactly 12 midnight, a sign that it was already Jesus Christ Natal Day. I wass miling at this moment as I greeted my family. 9 P.M. nang makauwi ako rito sa bahay from our “date” at EK. I absolutely had fun.

Ano nga ba’ng nangyari after our ride in the Wheel of Fate?

***

After naming matawa sa naka-print na damit ng cute na batang lumapit sa amin, para akong nailang kay George. Paulit-ulit kasi sa isipan ko ang sinabi niya kay Baby Cupid.

“I promise, little boy. I will love Ate G forever.”

 “I promise, little boy. I will love Ate G forever.”

 “I promise, little boy. I will love Ate G forever.”

Gusto ko siyang tanungin kung totoo ba ang sinabi niyang ‘yon pero nauunahan ako ng kaba at takot. Pero, at the same time, kinikilig ako at tumatalon sa galak ang puso ko, hindi ko itatanggi iyon.

Ikaw ba naman, marinig na sabihin ng mahal mo na mahal ka rin niya, hindi ka ba matutuwa’t magiging maligaya?

“G…” Bumalik ako sa ulirat nang marinig ang boses niya. “‘Yung sinabi ko sa bat—”

“George tayo na, o. Sakay na tayo.” Hindi namin namalayan na kami na pala ang sasakay sa ride. At sa totoo lang, ayaw kong ma-open ang sinabi niya tungkol sa “pagmamahal” niya sa’kin na sinabi niya sa bata.

Kasi baka masaktan ako. Kasi…nag-a-assume na ako, e. Alam kong mali pero umaasa na ako na totoo ‘yon.

 “Una ka na.”

Inalalayan ako ni George pumasok sa ride. Number 19.

“Thanks.”

Nakaupo na kaming dalawa at unti-unti anng umaandar ang Wheel of Fate. Natutuwa naman ako sa mga view na nakikita ko.

“Ang ganda,” sambit ko.

“Mas maganda ka.”

Dahil hindi ko sigurado kung sinabi niya nga ‘yon, dahil parang nababaliw lang ako, hindi ko na lang siya pinansin. Inilabas ko ang DSLR ni Blesie at kinuhanan ang magagandang view. Ang liwanag. Nakikita ko ang buong EK at ilang parte ng Sta. Rosa. 

Ang saya lang. Tapos kasama ko pa ang mahal ko. Lalong mas masaya.

 “G, pahiram…”

Kinuha niya ang DSLR. Nahawakan niya pa nga ang mga kamay ko kaya bigla akong namula. Para kasing may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko ‘pag nagtatama ang balat naming dalawa. Ipinuwesto niya ang kanyang kamay na may hawak na camera at lumapit sa’kin. Inakbay niya sa’kin ang isa pa. Kinikilig ako.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon