Chapter 23

82.4K 865 57
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 23

 

“Setting someone free is the hardest thing to do. But it’s not the tears you cried that makes it so hard. It’s the small piece of hope left inside your heart that someday you’ll still end up together.”

-Unknown

Blesie

I was shocked. Ang sakit. Parang na-broken hearted na rin ako.

Why was this happening? Nakakainis naman e. May problema na nga, lumala pa. Kawawa naman ang best friend ko. Magbabakasakali sana ako na magiging maayos pa. Pero bakit ganito?

“Weh?” sabi ko sa babaeng sumagot  sa phone ni George. Baka nagkamali lang ako ng dinig. Come on, B. Breathe.

“Ewan ko sa’yo!”

She ended the call.

Aba’t akala mo kung sino! Nakakainis na Gwen ‘yon! Binabaan niya pa ako. Nasaan ba kasi si George? Sunud-sunod na ang mga problema ni G.

Pero hindi. Hindi ako naniniwala! I have this feeling that she’s lying! That Gwen! Liars go to hell! Hindi ako papayag na hindi happy ending ang story ng GG Couple. I sighed.

 I believe, they are more than meant to be. Georgina and George, they are matched! They are perfect to each other.

“B, ano’ng ginagawa mo?” Tapos na palang kumain si G. “Uhm, wala naman. Binabaan kasi ako ni boyfriend ng phone.” Sorry, bestfriend.

“O, at bakit naman? War kayo?”

Hindi, Georgina. Kami pa ba ni Patrick ang mag-aaway? Kung puwede ko lang sanang sabihin sa’yo.  Pero alam ko talaga at nararamdaman ko na hindi totoo ‘yong sinasabi ng Gwen na ‘yon, e!

“Hindi. Wala ‘yon. Okay lang kami.”

“Osiya, bumalik ka na sa office. Mapapagalitan ka na ni Boss. Naabala na kita.”

 “Ano ka ba? Hindi, ‘no. Saka kabilin-bilinan ni Boss, alagaan kita kasi napansin niya rin na kakaiba ka these past few days.”

Hinawakan ko ang mga kamay niya. “Kaya nandito ako para pasayahin ka. Magde-date tayo.” Hinawakan ko ang mga pisngi niya at pinisil-pisil ito. I wanted my bestfriend to be happy. She deserves to be.

“Thank you, B.” She hugged me.

Nagpalipas lang kami ng oras sa kuwarto niya. Nag-Word factory kami. ‘Yan ang madalas naming nilalaro kapag walang ginagawa sa office at nakakatawa kasing salitan kami ng panalo. Enjoy lang. May kasama rin kasing harutan. At least, tumatawa na ulit siya. Hangga’t maari, hindi ko muna pinapaalala si George.

Nagpahinga muna kami. Around 3 P.M. na rin. Nakatulog siya. Ako, heto kino-contact na naman ulit si George. Kanina pa ‘yung ring back tone niya na “Pusong Bato”! Bagay na bagay.

Naririndi na ako. Bakit ba ayaw niyang sagutin?

“Hello.” At last!

“Hello. Puwede kay George?” Hindi ko kasi mobosesan kung lalaki o babae. Masyadong maganda ang boses.

“Speaking.” Siya na pala. Buti naman at hindi na ‘yung Gwen na ‘yun.

“Buti naman at ikaw na ang sumagot. Nasa’n na ang girlfriend mo? Binreyk mo na ba?”

“Girlfriend? Wala akong girlfriend, Blesie.”

“E, sino ‘yong Gwen? Siya ‘yung sumagot sa tawag ko sa’yo kanina.”

 “A, si Gwen. Kapatid ko. Younger sister. Bakit ka pala napatawag?”

 “Kapatid? E, bakit sabi niya girlfriend? Papansin ‘yon a.”

 “Gano’n talaga ‘yon kapag may tumatawag na babae sa’kin. Kararating lang niya kasi galing Quezon.”

Oh, I see. Protective kapatid. Buti na lang. Nakahinga na talaga ako nang maluwang.

“Okay, okay. Uhm, George, puwede ba kitang makausap?”

“Tungkol saan?”

“Tungkol kay G.”

Hindi siya nagsalita.

“Are you still there?”

“O-oo.”

“Seryosong tanong, George.” Gusto kong malaman kung ako lang ba ang naghahangad na maging maayos ‘to o may makakatulong ako. “Mahal mo ba ang best friend ko?”

Naghihintay ako. Positibong sagot ang gusto kong marinig. Umaasa ako.

“George, maging totoo ka sa sarili mo. Mahal ka ni Georgina. Ang alam niya, niloko mo lang siya pero hindi ako naniniwala.”

“Blesie.”

“George, naghihintay ako ng sagot.”

“Ma—”

“Kuya, tara na! Nasa sasakyan na sina Mama.” Boses ni Gwen, ‘yong kapatid niya na sumagot sa unang tawag ko kay George.

“George?”

“Sorry, Blesie, pero babalik na kami sa Quezon. We’ll stay there for good.”

“Pero, George, pa’no si Georgina? Pa’no na kayo?”

Naiiyak na ako. Bakit ganito ang mga nangyayari? Akala ko, maayos ko. Akala ko, magagawa kong ibalik ang kasiyahan ng best friend ko. Pero bakit kailangan nilang sumuko?

“Wala na akong magagawa, Blesie. Mabuti nang hindi ko na guluhin pa si G. Malilimutan niya rin ako. I have to go.”

“George, sandali!”

Naputol na ang kabilang linya.

Pinahiran ko ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. Nasasaktan ako para sa kanilang dalawa. Nasasaktan ako kasi hindi nila pinaglaban ang isa’t-isa.

Naniniwala ako na may dahilan si George kaya niya nagawa ‘yon sa kompanya at alam ko, hindi plano ang mapalapit kay Georgina. Nagkataon lang. Nangyari nang hindi nila inaasahan. Nagmahalan sila. Pero bakit naman matatapos agad ang love story nilang kauumpisa pa lang?

Ako ang dahilan kung bakit sila nagkakilala. Ako rin ang magiging dahilan para magkaayos sila.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon