Chapter 24

40K 497 36
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 24

 

“Choose the one that will make you happy or you will regret forever.”

Agad na tineks ni Blesie si George matapos siya nitong babaan ng telepono.

‘Wag kang magpakatanga at magkaduwag, George Aries Andrade! Sasabihin mo kay Georgina na mahal mo siya tapos babawiin mo? Ngayon, may iiwan mo pa siya? Anong klase kang lalaki? Ganyan ka ba magmahal?Ipaparamdam mo tapos iiwan mo na lang na parang walang nangyari at paniniwalain na hindi mo siya talaga minahal? Alam kong may dahilan kung bakit mo nagawang lokohin ang kompanya. Magpaliwanag ka, George. Makikinig si Georgina. Sabihin mo ang totoo. Alam kong mahal na mahal mo siya kasi mahal na mahal ka rin niya. Sana isipin mo munang mabuti ang gagawin mo. Siguraduhin mo na hindi mo pagsisihan ang pagtalikod sa babaeng mahal mo.

Pasinghot-singhot si Bianca habang nagta-type ng message niya kay George. Inabot na ‘yon ng ilang SMS pero wala siyang pakialam. Gusto niyang sabihin ang lahat dito. Gusto niyang maintindihan ni George ang iiwan niya kung sakali.

Ayaw sumuko ni Blesie. Malakas ang pakiramdam niya na sina George at Georgina ay nakatadhana para sa isa’t-isa.

Pumunta si Blesie sa CR sa may kusina ng bahay nina G. Baka kasi makita siya ng best friend niya na umiiyak. Baka malaman pa nito na kino-contact niya si George.

Makalipas ang ilang minuto, wala pa rin siyang natatanggap na reply mula kay George. Naiinis na siya. Ilang ulit niyang sinend ang mahaba niyang message sa lalaki.

George, George, George, parang awa mo naman na.

“B,” narinig niya sabi ni Georgina. “Blesie, nandiyan ka ba?”

“Oo! Sandali lang.”

“Okay, sa salas lang ako.”

Nang makaalis na si G, sakto, nag-ring ang telepono ni Blesie.

George calling…

“Thank you, Lord!” naibulong ng dalaga sa sarili bago sagutin ang tawag. “Hello?”

“Blesie! Ilang beses kong binasa ang message mo at tama ka nga. Magpapaliwananag ako kay G. Sasabihin ko sa kanya ang totoong nangyari. Mahal ko si Georgina, Blesie. Mahal ko siya.”

Hindi na napigilan ni Bianca ang pag-iyak. Tears of joy.

“Akala ko magpapakatanga ka na talaga, e! Nakakainis ka, Papa George!”

“Sorry. Sorry. Pero pa’no? Ano’ng dapat kong gawin? Galit siya sa’kin.”

“Ako’ng bahala.”

“Salamat, B. Maraming salamat.”

“Walang anuman. Mahal ka ng best friend ko. Best friend na in-law na kita. Gagawan natin ng paraan.”

* * *

Kinabukasan. Saturday. Walang pasok sina Georgina at Blesie. May pasok sa C&K pero dahil may day-off naman sila nang isang beses sa isang linggo, itong araw na ito ang napili nila dahil sa pamimilit ni Blesie kay Georgina.

Feb-Ibig month na. Three days na lang at Valentines Day na. Nagkalat na ang mga nagtitinda ng mga bulaklak at mga pangregalo na hugis-puso. Ramdam na sa simoy ng hangin ang love.

Nagyaya si Blesie sa Enchanted Kingdom pero ayaw ni G. Siyempre, paano siya makakalimot kung pupunta sila sa lugar na nangyari ang mga ala-alang pinipilit na niyang malimutan? Pero nagpupumilit si Blesie.

 “Ayaw ko nga, Blesie. Pag-aawayan pa ba natin ‘to?” Nakasimangot na si G. Naiinis na. Ang kulit kasi ni B.

 “Please na kasi, G. Trust me. ‘Di ba nga pasasayahin kita?” pagsusumamo ni B.

 “Alam mo naman ‘di ba na ayaw ko na ngayon sa EK! E, bakit doon pa tayo pupunta? Sa iba na lang!”

Nasasaktan pa rin si Georgina. Inaalala ni G na baka makita niya ulit ang bata, si Baby Cupid. Ano na lang ang sasabihin niya sa bata kapag nagtanong kung nasaan si George? Ang ala-alang iyon ang lalong dumudurog sa puso niya.

 “Please…Please…Please. G. Magtiwala ka naman, o. Hindi kita ipapahamak. Gusto ko maging masaya ka. Magde-date lang tayo. Please. Saglit lang tayo roon, promise.”

 “E di ‘wag na lang pumunta. Saglit lang pala, e.”

 “Naman, G, o.” Naupo sa tabi ni G si Blesie mula sa pagkakaluhod sa harap ni G. Sumimangot ito at hindi na pinansin si G.  Maya-maya pa’y tumayo itong muli at akmang lalabas na ng kuwarto ni G.

“Uwi na ako,” malamig na sabi nito.

“Ano’ng oras ba tayo pupunta ro’n? Magbibihis na ba ako?”

Ang noo’y nakatalikod na si Blesie ay agad na napangiti. Pero pinawi niya rin ito at nagpakaseryoso kuno at saka humarap kay G.  “Wala nang bawian ‘yan, ha.”

 “Oo. Hay, B, kung ‘di lang kita mahal.”

 “Yehey! Salamat, Georgina!”

Nagyakapan silang dalawa.

* * *

4 P.M. ang usapan nina Blesie at Georgina, pero masyado pang maaga.  Kaya itong si Blesie, naghanap ng pagkakaabalahan. Dahil siya ay…kinakabahan.

 “Dear God, please. Kahit last na po. Sana gumana ulit ang pagiging kupido ko. Sana maging maayos na ang lahat.”

And suddenly, she received a text message from an unregistered number.

Everything is settled. Siya na lang ang kulang.

 Blesie smiled and  took a deep breath. 

“Thank you, Lord.”

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon