PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 27
“The worst part of life is waiting. The best part of life is having someone worth waiting for.”
-Unknown
Agad namang napatingin si Georgina sa likod niya. Maging ang mga nanonood ay hindi napansin na nasa likod na pala ng dalaga ang isang guwapong nilalang na kanina niya pa gustong makita.
Nakatitig lang si G sa mukha ni George. Sa mukhang matagal niyang hinintay na makita at matitigang muli. Sa mukhang pinilit niyang makalimutan pero hindi niya magawa. Mukha ng taong minamahal niya. G was fascinated.
“Am I that handsome?”
Hindi sumagot si G. Sa halip, pinapakinggan niyang mabuti ang bawat salitang lalabas sa bibig nito. Ang tagal niyang hindi narinig ang boses ni George. She missed it so bad. Walang anu-ano pa’y niyakap ni G nang mahigpit si George.
“Ako dapat ang yayakap sa’yo. Wala na. sira na ang plano,” George said while pouting.
Hindi pa rin nagsasalita si G. Patuloy lang ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata.
“Love, hindi pa tapos. Maupo ka muna ulit at magpapakitang-gilas pa ako sa’yo.”
Natawa naman si G sa sinabing ‘yon ni George. Na-miss kita. Sobra.
Bumitaw na siya sa kanyang pagkakayakap sa binata at naupo. Pagkatapos, muli niyang ipinako ang kanyang tingin sa entablado na kinaroroonan ngayon ng mahal niya.
George in a white suit with a red rose in his pocket was extremely scorching and astounding in the stage.
Medyo mahaba na ang buhok niya kumpara dati pero it fit his outfit at the moment. He’s wearing his sweet smile that made Georgina’s heart jump higher than before. She missed it.
Syntax Error and ICL Koala began playing the last song for tonight.
♫♪ Forevermore by Side A ♫♪
“Kapag ba nakangiting mag-isa, baliw na agad? Hindi ba puwedeng naaalala lang kita?
“Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang langka. Langka-tulad. Langka-tumbas. Langka-tapusan.
“A-BA-DA. Oops. Kulang talaga, ‘pag wala KA.”
Nagba-blush si G. Sa bawat sasabihin kasi ni George, nakatitig ito sa mga mata niya, na parang silang dalawa lang ang tao sa lugar na ‘yon. Para bang sinasabi na sa kanya lang ito. Kasabay niyon ay ang kilig na nararamdaman ng bawat manonood. Para silang nanonood ng movie. Akala nila sa teleserye lang nila masasaksihan ang mga ganitong pangyayari.
“10 steps on How to Get a Boyfriend.” Pagkasabi niyan ni George, nag-flash din ito sa screen.
“’Step 1:Find a guy of your taste. Make sure he doesn't have a girlfriend. It's pointless to go after someone who is already in a relationship’.
“That’s the reason why you added me on FB, ha? I should thank you. Dahil do’n, hindi ko na kinailangang hanapin ka. Dahil from the time I saw you in the mall, para akong nakakita ng anghel na bumaba mula sa langit.”
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...