Chapter 8

126K 1.3K 78
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 8

“Smile like you've never cried.”

 

George

There’s something inside of me na nagwawala: ang konsensiya ko. Hindi ko na talaga kaya ang ginagawa ko. Nagsa-suffer ang C&K dahil sa kasalanan ko. But I had no choice; kailangan ko itong gawin. Kahit mali, kahit mahirap, kahit ayaw ko. Wala akong karapatang tumanggi sa mga utos ni Mr. Eun.

‘Di bali na kung ako lang ang mapapahamak kung sakali. Pero hindi. My family’s life, too. Siyempre, kapakanan nila ang una kong iisipin. Saka na ang sa akin. Saka na ang sa ibang tao.

Pero every time na nandito ako sa C&K,  kinakabahan ako. Paano na lang kung malaman nila na ako ang spy? Ano na lang ang sasabihin nila sa’kin? Matapos nila akong tanggapin, gawing bahagi ng pamilya nila, ganito ang igaganti ko?

Swear to God, I want to stop this. Pero hindi pa puwede, hanggang hindi sinasabi ni Mr. Eun.

Ang bilis ng paglipas ng mga araw. Masyado nang lumalapit ang loob ko sa mga nakakasama ko sa C&K. Mas nahihirapan ako. Mas masasaktan ko sila.

My thoughts came rushing to my mind.

 “Uy.”

Napatingin na lang ako sa babaeng nasa harap ko. Si G, nakangiti. Suddenly, I felt butterflies in my stomach. I couldn’t explain the feeling. Then, I just smiled. My thoughts faded.

For months, we became friends. Sabay kaming kumakain ng lunch and merienda kasama sina Maynard at Blesie.

I can’t imagine that this girl who I previously saw sa mall na siya rin palang nag-add sa’kin sa Facebook ang magiging katrabaho ko at pinakamalapit pa sa’kin dito. Fate is really working, isn’t it?

“H-hi, G..”

I was lost of words. Unexpectedly, I felt wary.

“Parang ang lalim kasi ng iniisip mo. ‘Eto o, hot chocolate para ma-relax ka naman. Puro ka trabaho.”

She’s looking straight into my eyes. Agad kong kinuha ang tasa ng tsokolate na inabot niya at hinigop ito. Para kasing biglang naging weird ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag. It’s just that…

She’s…she’s…perfect! For me. Ano ba ‘tong mga sinasabi ko?

“Excited uminom ng chocolate?” natatawang sabi ni Georgina.

She’s cute. Her eyes were twinkling. She’s mesmerizing, I must say! Bakit paganda siya nang paganda? Kahit wala naman siyang make-up, natutulala ako sa mukha niya. Ang simple-simple niya.

“May sakit ka ba, George? Bakit namumula ka?”

Ako? Namumula? Nakakahiya. Bakit ako namumula? Halatang-halata ba na masaya ako dahil nilapitan niya ako? Obvious na obvious ba na crush ko siya?

“A, e…Wala. Wala akong sakit,” sagot ko.

“Okay, balik na ako sa table ko.”

“G, thank you.”

“You’re welcome.” She left.

Georgina, what is this I’m feeling whenever you’re near?

* * *

Georgina

Heart, relax na. Calm down. Tapos na. Nagawa natin. So, kumalma ka na. Please, tama na ang pagkabog. ‘Wag masyadong malakas. Baka marinig niya. Kalma, kalma.

Grabe! I can’t imagine na nagawa ko ‘yon! Bigyan si George ng hot chocolate para…magpapansin sa kanya? Nakakahiya ako! Kasi naman, e.

I received a text message from Blesie.

G, ano? Did you make the next move? Balita!

You heard it right: I am now on the Step 4 on how to get a boyfriend. Thanks to Blesie for reminding me. Halos makalimutan ko na ang tungkol dito dahil sa pagka-shocked ko na katrabaho ko na ang pinaggagamitan ko nito. Tapos, dumagdag pa ang sudden breakdown ng C&K dahil sa hindi malamang dahilan na for sure si Sir Jason Lee ang may gawa. Natengga ako nang ilang buwan!

Hindi ko na rin nga sana itutuloy pero si Blesie ang push nang push. Ilang attempts na ang ginawa ko para tigilan na ‘to pero hindi ko naman nagagawa. Ang hirap kasi. Ang lapit-lapit na niya sa’kin. Kahit subukan ko nang maraming beses na kalimutan siya, hindi ko siguro kaya dahil lagi ko siyang nakikita. Lagi siyang nakangiti na akala mo’y wala man lang pinoproblema. Ibang klase talaga siya. Lalo akong…

Wala, wala. Never mind.

Ngayon ko na lang ulit natingnan ang spam message. Sabi ni Blesie, kahit hindi ko sinasadya, naging magkaibigan na kami ni George. Meaning, accidentally, I did number three! Now, next step na.

How to Have a Boyfriend no. 4) Smile. Have confidence. Laugh and be positive. Take away all bad vibes. Ignore them. Always be optimistic.

 Kaya wagas akong makangiti. Hindi ko pinansin kung magmukha akong ewan. I just want to smile not just because I want to do step 4 but because that step is true.

Kahit na maraming problema ngayon lalo na sa kompanya, kailangang maging positive! Magiging maayos din ang lahat. Good vibes dapat ang simula ng bawat araw para the entire day ay gano’n pa rin.

Saka ang kulit kasi ni Blesie. Knowing her, masyadong mapilit. Early in the morning magkatawagan kami.

Ano ba naman kasi, G! Bakit ba ayaw mo na? Sapakin kit,a gusto mo?

Kasi nga parang wala namang nangyayari. Pinahihirapan ko lang sarili ko.

 Ano ka ba, I have a great feeling na magkaka-boyfriend ka na bago mag-2013! Maniwala’t magtiwala.

Hindi ko alam.

“Number 4. Smile. Have confidence. Laugh and be positive.” O, ang dali-dali lang naman pala ng next step, e.

Hindi ba magmukha akong baliw niyan?

Bestfriend, come on. Sabi nga ni Mother Theresa, “Peace begins with a smile. Everytime you smile at someone, it is an action of love, a gift to that person, a beautiful thing. Let us always meet each other with smile, for the smile is the beginning of love.”  O, ‘di ba?

Sige, sige. Bahala na.

Pagkatapos niyon, hindi na nawala sa isip ko ‘yong isang line sa sinabi ni Mother Theresa: “For the smile is the beginning of love.”

Wala naman akong maisip kung paano ko mapapakita ‘yan kay George. Alangan namang bigla na lang akong lumapit sa kanya at ngitian siya nang bonggang-bongga. Baka isipin niya nababaliw na ako. Though, oo, sa kanya. Pero—what did I say? Ugh!

Basta, ayun. Pinagtimpla ko na lang siya ng hot chocolate, may maibigay lang. Saka ko sinabayan ng natural kong ngiti. ‘Yung ngiti ko ‘pag nakikita siya. Gan’on. Hindi fake. Punung-puno ng admiration. Nakakahiya. Pero, tagumpay.

 I smiled. Happily, I made step four. Easy!

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon