PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 22
“Real friends see your pain behind your smile and your tears before they fall.”
-Unknown
Georgina
Ang sakit ng mga mata ko. Ang eyebags ko, napaka-visible. Pero mas masakit ang puso ko. Buti na lang at hindi makikita ng ibang tao na brokenhearted ito.
Ang sakit-sakit.
Bakit ba kasi umiyak na naman ako kagabi? Bakit ko ba siya iniiyakan? Paulit-ulit na lang.
Pinipilit kong kalimutan siya. Ginagawa koang lahat kasi ayaw ko na. Nasaktan ako, e. Niloko niya ako. Buti ba kung ako lang e, pero hindi. Pati pa ang kompanya. Pati pa mga katrabaho ko. Sila na tinuring ko na pangalawang pamilya ko. Sinira niya ang lahat ng pinaghirapan namin. I hate him! I really hate him!
But I still love him.
Naiiyak na naman ako. Ano ba’ng nakuha niya sa paggawa niyon? Malaking halaga ba ang binayad sa kanya? Sobrang saya niya ba ngayon,na nagtagumpay siya?
Ayaw ko na! Gusto ko na talagang makalimot. Ayaw ko sa mga taong sinungaling at manloloko. Move on na, G. Please. Heart, makisama ka na.
Kasasabi ko lang pero ito na naman ako, hawak ang picture niya. Masyado akong tinamaan. Nakakainis.
Umpisa pa lang, alam kong baka masaktan ako. At ito na nga, nangyari na. Pinaghandaan ko na ‘to, pero bakit ganito pa rin? Bakit ba kasi nagpadala ako? Bakit ba kasi siya pa? Bakit siya pa ang minahal ko?
“Kung may gamot lang talaga para makalimutan ka, kahit pa ma-overdose ako, uubusuin ko, ‘wag lang kitang maalala.”
I looked crazy talking to his picture then sobbed afterwards.
I hate this feeling!
“Bakit mo ba kasi kailangang kalimutan kung puwede namang hindi?”
Napalingon ako sa pintuan ng kuwarto ko. I saw my best friend standing with a bucket of Jollibee Chicken Joy.
“Blesie? Ano’ng ginagawa mo rito? Ang aga-aga pa.”
“Binibisita ang maganda kong bestfriend.” She placed a quick peck on my cheeks “Saka, hello? May pasok kaya tayo ngayon. Actually, Miss Steve, you’re three hours late. Pero dahil mabait ka, pinagpahinga ka na muna ni Boss Lee. I bring you foods. You better eat.”
Bakit ko nakalimutang may pasok pala? I’ts all your fault, George.
Tiningnan ko ang malaking orasan sa kuwarto ko. 10 A.M. na. Nakakahiya kay Boss Lee.
“Masyado mo yatang kinarir ang pag-iyak, Georgina.” Inilapag niya ang hawak niyang bucket sa may table sa tabi ng kama ko at saka ako tinabihan. “Hanggang may iiiyak ka, umiyak ka lang pero hindi talaga magbabago ang tingin ko sa nangyari. Georgina, alam kong hindi ka niya niloko. Kami, ang kompanya, siguro. Pero ang feelings niya sa’yo, I know it’s true. I could feel it, G.”
“Hindi ko alam….” Dahil sa pag-open na naman ng topic na ‘to, I saw myself drowning in tears again.
* * *
Blesie
Naiiyak na rin ako. She doesn’t deserve this. Ang gusto niya lang ay magmahal at mahalin. Naging big deal sa kanya ang pagiging NBSB niya. Tinulungan siya ng 10 ways na ‘yon pero heto siya, umiiyak, nasasaktan.
Ginagawa niya ang lahat para makalimutan si George. Kahit ano’ng sabihin ko, ayaw niyang pakinggan. Desidido na siyang kalimutan ang unang lalaking minahal niya.
Magdamag na siyang umiyak. Ngayon, umiiyak pa rin everytime na maririnig o maalala si George. She’s badly in love and hurting.
“Nandito lang ako.” ‘Yan lang ang magagawa ko: damayan siya sa mga ganitong pagkakataon.
“A-ang tanga ko,” sabi niya habang umiiyak. “Magmamahal na lang ako, sa maling lalaki pa.”
“Hindi mo naman kasalanan. Mapipigilan mo ba naman ang pagtibok niyan?” Itinuro ko ang kaliwang dibdib niya, ang puso niya na sa mga oras na ito ay nagluluksa pa rin, nasasaktan.
“Gusto ko na siyang kalimutan. Pero bakit ang hirap-hirap?”
“Kasi nga mahal mo siya.” I hugged my bestfriend. “It’s not a bad thing to follow what your heart dictates, but it will be better if you can balance it with what your mind says.”
Alam kong gusto niya pa ring kausapin si George. Alam kong mahal nila ang isa’t-isa. Alam kong mas maganda kung magkakaroon sila ng panahon para magkita.
Alam kong may dahilan si George. Alam kong totoo ang lahat ng ipinakita niya sa best friend ko. Gagawin ko ang alam kong tama. Gusto ko lang naman maging masaya ang kaibigan ko. Sana, magawa ko.
I comforted her. Nang mahimasan na si G, pinakain ko na siya. Nag-aalala na nga ang Mama niya sa kanya. Sinabi ko na lang na ako ang bahala. Saglit ko siyang iniwan. Lumabas ako ng kuwarto niya and at tinawagan ang number ni George.
Ilang tries na pero walang sumasagot.
“Come on, George. Pick up the phone.”
After several tries, he picked it up finally.
“Hello,” I started.
“Hello? Who’s this?” sabi ng nasa kabilang linya. Boses babae.
“Uhm, George?”
“George is still sleeping. Ano’ng kailangan mo sa kanya?”
Babae nga ang sumagot sa phone ni George.
“May sasabihin sana. Sino ka ba?” Bigla akong kinabahan.
“I’m Gwen, George’s girlfriend.”
Napahawak ako sa dibdib ko. Huli na ba talaga ang lahat?
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...