PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 10
“Learn to make a move before it’s too late.”
George
I’m really not fond of attending parties. I am not sociable. I don’t have the guts to chat with other people. Likas akong mahiyain. No’ng college nga, iilan lang ang kaibigan ko. Hindi kasi ako ganoon kalapit sa ibang tao. Unti-unti, sinimulan kong baguhin ‘yon nang magtatrabaho na ako.Medyo mahiyain na lang ako ngayon.
But look at me now: nandito ako ngayon sa C&K Company party, nakikihalubilo sa mga taong niloloko ko, nakikipagsaya sa kanila.
Sana mapatawad nila ako kapag nalaman nilang ako ang dahilan ng problema nila. Sana maintindihan nila na kailangan ko lang talagang sumunod.
The theme of the party was black and white. Since I love black, I was wearing a black polo, black coat, black pants, and white necktie. Parang nasa office lang. Wala naman talaga akong balak um-attend dito, e. Una, hindi naman talaga ako member ng kompanyang ito. At pangalawa, hinahanap na nila ang spy who is no other than me.
Hindi sana ako a-attend. Pa’no na lang kapag bigla na lang nilang matuklasan na ang spy na hinahanap nila? Gugulo ang party! Masisira – dahil sa’kin. Wala na akong magawang mabuti sa kanila.
Pero, pero kasi, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makitang naka-dress. Gusto ko siyang maisayaw. Gusto ko siyang makasama ngayong gabi. Gusto ko siya. Matagal na.
Nang makarating ako sa venue, puro black and white ang nakikita ko. Ang sasaya ng mga tao. Miss Lee is really friendly. Kahit pa may pinagdadaanan sila ngayon, kinalimutan muna nila pansamantala. No doubt. C&K really deserved to be the number 1 company in Dasma. The employees and the heads treat each other as family. I envy them. Sana ganito rin sa KGP Inc.
I was just standing near the opening area when I heard some employees talking about a beautiful girl. Naririnig ko ang pagsasabi nila nang maganda sa babaeng nakatalikod sa akin, nakaputi. Napaharap siya nang kaunti at napatingin ako sa kanya.
And what I saw… was an angel.
***
Georgina
Nakita ko siya. Natameme ako sa kaguwapuhan niya. He gave me a compliment na ikinatuwa ng puso ko, bagay na hindi ko naramdaman nang iba ang nagsabi.
“T-thank you...”
Nahihiya ako na natutuwa na kinikilig na ang saya-saya! Sumulyap ako kay Blesie who’s smiling so wide. She gave me a thumbs-up. Meaning, I did it. I did step 5 successfully.
“Para kang anghel na bumaba mula sa langit.”
A curve suddenly formed on my lips.
* * *
George
Ang ganda-ganda niya. Hindi ko mapaliwanag. Suddenly, naging vocal ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...