PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Prologue
Hindi naman masama kung single ang isang tao. Hindi naman ito kasalanan na kapag isa kang ganyan, huhulihin ka ng pulis at ikukulong. Wala rin namang multa kung sakaling may magkalat na single ka. Status lang 'yan.
Ang problema ay kung single ka since birth! NBSB, ika nga nila.
Hindi pa nakaranas magkaroon ng boyfriend, wala pang naka-HHWWPSSP (holding hands while walking pa-sway-sway pa), wala pang first kiss, wala pang first hug, walang ka-endearment, walang ka-I love you, walang monthsary na hinihintay at ipinagdiriwang. As in, wala. S-I-N-G-L-E kasi.
But that isn't also a crime. It's natural!
Hindi lang naman isa, dalawa o tatlo lang ang ganyan. Marami!
Baka nga sa sila ang bumubuo sa overpopulation ng bansa. Kaya rin siguro laganap ang kalamidad. Nagkalat kasi sila. Kahit saan, may NBSB, hindi nga lang inaamin. Nahihiya. Natatakot. Kasi nga, NBSB sila.
Pero sigurado, deep inside, “Bakit wala akong boyfriend?” kasabay ng page-emote, lalo pa kung ang mga kaibigan ay “in a relationship” na ang status sa Facebook at maya’t-maya pa ang pagpo-post ng status na may “feeling loved” at maraming-maraming hearts. Mas pa, kapag sinamahan pa ng picture nila kasama ang kanilang boyfriend o girlfriend na masaya at ramdam na ramdam na mahal na mahal ang isa’t-isa. Isa pa, tuwing sasapit ang buwan ng Feb-Ibig na buwan daw para sa magkasintahan, magsing-irog, at nagmamahalan.
Sa pag-iisip ng isang NBSB, sana nawala na lang ‘yan sa kalendaryo.
Nakakasakit sa puso. Kawawa. Bitter tuloy. Naghihintay na lang na managinip. Baka sakaling doon, hindi sila NBSB.
Big deal ang pagiging single sa marami.
Kung tulad ka ni Georgina Agnes Steve, 20, maganda, matalino, may maganda at maayos na trabaho, mabait, at higit sa lahat, hindi pa nagkaka-boyfriend, 'wag kang mawawalan ng pag-asa.
Bukod sa habang may buhay ay may pag-asa, baka isang araw din ay may matuklasan kang paraan kung paano makawawala sa organisasyong gusto mo nang alisan.
Baka sa isang iglap, may tumulong sa’yo na matupad ang pangarap mo.
Baka sa kahihintay mo, dumating na pala ito.
Are you willing to take the risk?
Ikaw ang gagawa ng paraan. Ikaw ang first move. Ikaw lahat. Makakaya mo kaya? Alang-alang sa status mong gusto mo nang maging “in a relationship”?
Hanggang kailan?
Mahihintay mo kayang mahulog din siya sa'yo?
Paano kung maraming hadlang?
Paano kung masaktan ka lang?
Tutuloy ka pa rin ba o tatanggapin na lang ang tadhanang mayroon ka?
It is now or never.
Take it or leave it.
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Teen FictionPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...